DEREK, CRISTINE itutuloy na ang honeymoon sa hawaii | Bandera

DEREK, CRISTINE itutuloy na ang honeymoon sa hawaii

Reggee Bonoan - September 26, 2013 - 03:00 AM


May tatlong shows sina Derek Ramsay at Cristine Reyes sa Honolulu, Waikiki at Maui, Hawaii mula Okt.  10-12 at kung hindi kami nagkakamali ay sa Okt. 8 na ang alis nila kasama si Ronnie Liang.

Ang tsika sa amin ay sina Cristine at Ronnie ang main artists at special guest si Derek kaya masayang-masaya raw ang dalaga dahil makakasama niya sa unang pagkakataon ang boyfriend niya sa isang trip abroad.

Tsika naman sa amin, “Yan ang matatawag na out of the country honeymoon nila since in love na in love sila sa isa’t isa, kita mo nga, ipinangangalandakan nilang masayang-masaya sila.

Pagbigyan na natin, nasa honeymoon stage sila now, eh.” Mabuti na lang at tapos na ang taping ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin kaya hindi na maaapektuhan ang mga araw na wala si Cristine kasi posibleng mag-extend sila ni Derek ng ilang araw.

Anyway, tinawagan kami ng dalawa sa followers ni Derek sa IG na @imkingderekramsay, binura na raw ng aktor ang account niya at hindi na nila ito mahanap, maging ang account ni Cristine Reyes na @QueenCKawesome ay nawala na rin sa Twitter.

Ayon kay Derek, “I put up a new one, @kidlatramsay1169.” Hindi na kami nagtanong kung dahil ba sa bashers nila ni AA (palayaw ni Cristine) kaya siya nagpalit.

Si Cristine naman ay nagpalit na rin ng bagong pangalan sa Twitter, @QueenCKRamsay na at pinalalabas na misis na siya ni Derek maski wala pang kasal.

Samantala, how true na winarningan ng Viva management si Derek na hinay-hinay lang sa kanilang relasyon dahil kapag sobrang in-love raw ang dalaga ay nawawala ito sa sarili dahil mas inuuna ang lovelife to the point na naaapektuhan na ang work.

Alam naman daw ito ni Derek, ayaw naman daw niya na maapektuhan ang career ni Cristine nang dahil sa kanya, at kilala naman niya ang kanyang sarili pagdating sa pakikipagrelasyon, hindi rin niya hahayaan na maapektuhan ang kanilang trabaho.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending