GMA 7 asar pa rin kay VICE GANDA kaya di pinayagang mag-guest si MARIAN sa GGV | Bandera

GMA 7 asar pa rin kay VICE GANDA kaya di pinayagang mag-guest si MARIAN sa GGV

Reggee Bonoan - September 24, 2013 - 03:00 AM


FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA na tumanggi si Marian Rivera na mag-guest sa Gandang Gabi Vice dahil bilang respeto sa GMA 7 kung saan ekslusibo siyang nakakontrata.

Ang ibinigay na lang na dahilan ng co-star ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa “Kung Fu Divas” ay lalabas na siya sa maraming programa ng ABS-CBN tulad ng Bandila, The Buzz, SIR, at ang katatapos na Kris TV, at okay na raw iyon.

Pero iba naman ang tsika sa amin ng isang source sa Dos, gusto raw talaga ng aktres na mag-guest sa programa ni Vice Ganda dahil like na like niya ang TV host.

“Pinapili ang GMA kung saan-saan shows puwedeng mag-guest si Marian at wala ang GGV sa list. “Sa totoo lang, gustung-gusto ni Marian na mag-guest sa GGV kasi nga masaya at pareho nilang gusto ni Vice ang isa’t isa, e, wala, e, hindi siya pinayagan ng Siyete,” pagtatapat sa amin.

E, bakit nga ba ayaw ng GMA na mag-guest si Marian sa show ni Vice? “Ewan, siguro ayaw na ng GMA na mas lalong tumaas ang ratings ng GGV kapag nag-guest si Marian, ayaw nilang magamit si Marian,” sabi  ng taga-Dos.

Ngek! May ganu’n?  May nagsabi naman na baka raw may kunek ito sa ginawa noon ni Vice sa kanyang concert na ikina-offend ni Jessica Soho na may mataas na posisyon nga sa GMA.

Samantala, nang malaman ng isang katotong malapit kay Dingdong Dantes ang dahilan ng Siyete sa pagpigil kay Marian na mag-guest sa GGV, “E, bakit si Dingdong pinayagan ng GMA na mag-guest sa GGV?”

Baka kasi hindi na taga-GMA ang manager ng aktor na si Perry Lansigan, e, si Mr. Tony Tuviera ang may-ari ng TAPE na producer ng Eat Bulaga.

Sa madaling salita, mas mahigpit ang GMA kay Marian, tama ba bossing Ervin? (Malamang! Ha-hahaha! ‘Yun lang daw ang nasabi ko, oh! – Ed)

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending