Sir Chief ayaw tigilan ng mga matronang uhaw
Nag-level-up na bilang singer ang Ser Chief ng Bayan na si Richard Yap!
Mula sa pagiging bahagi ng best-selling official album ng kanilang hit kilig-seryeng Be Careful With My Heart, ngayon ay may solo debut album na si Richard under Star Records.
“Dream come true para sa akin itong launch ng solo album ko. Mula kasi pagkabata, hilig ko na talagang kumanta,” kwento ni Richard. “At thankful ako sa aming teleserye dahil sa pamamagitan ng aming official soundtrack, na-discover ng tao na marunong din akong kumanta.”
Ayon kay Richard, maihahalintulad niya ang kanyang unang album sa Be Careful dahil puno ito ng feel-good at easy listening tracks, “Pasok dito ang lahat ng genres. May pop, ballad at alternative. Hindi lamang sila para sa music fans na ka-age group ko kundi maging sa teens at in-betweens.
“Napakaespesyal sa akin nitong album kasi pinagpaguran namin ito para masigurong sulit ito para sa mga tao. Sana, tulad ko, ay magustuhan siya ng lahat ng aming supporters,” sey ni Sir Chief.
Para kay Richard na lumaki sa musika ng Queen, nina Barry Manilow, Kenny Rogers, Hall and Oates, Phil Collins at Mike Francis, wala siyang nararamdamang pressure sa posibilidad na maikumpara siya sa iba pang mahuhusay na singers sa bansa, “Sa palagay ko hindi naman kailangang magkumpara dahil magkakaiba naman ang musical choices at target audiences ng singers.”
Tampok sa solo debut album ni Richard ang revivals ng “Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say,” “Promise Ain’t Enough,” “Think I’m In Love Again,” “Can Find No Reason,” “You Take My Breath Away,” “Chasing Cars,” “High,” “Afterglow,” at ang Chinese version ng “Oh Babe.” Bahagi rin ng album ang bonus tracks na “Please Be Careful With My Heart” at “Salamat.”
Samantala, natatawa lang si Sir Chief kapag tinatawag na “matrona killer” dahil nga napakaraming mga babaeng may edad na ang naloloka sa kanya. Karamihan kasi sa loyal viewers ng serye nila ni Jodi Sta. Maria ay mga matrona, may mga anak at ‘yung iba ay may mga apo na.
Bukod pa ‘yan sa taguri sa kanyang “tourist attraction” sa bansa dahil siya ang gustong makita ng mga balikbayang Pinoy na tumututok sa serye nila ni Jodi. Ganyan pa rin kasikat si Richard Yap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.