KRISTINE HERMOSA gusto ring maging DARNA? | Bandera

KRISTINE HERMOSA gusto ring maging DARNA?

Reggee Bonoan - September 19, 2013 - 03:00 AM

Tinawagan kami ng isang taga-ABS-CBN sa nasulat namin tungkol kay Yam Concepcion, siya kasi ang nababalitang gaganap na bagong Darna, sa kanya raw ipapasa ni Angel Locsin ang bato base na rin sa kumalat sa website ng Kapamilya Gold.

Nasulat din kasi sa nasabing website na maging si Kristine Hermosa ay kasama sa pinagpipilian bilang bida sa remake ng Darna at bilang comeback na rin niya sa telebisyon, pero ayon sa aming source, hindi raw ito totoo.

“Ang gusto ng management ay fresh as in bagong mukha para sa Darna, kaya hindi totoo ‘yang lumabas na sina Yam at Kristine, well siguro in passing nabanggit sila sa meeting pero walang sigurado ro’n as in,” say sa amin.

Hindi na nga raw naulit ang meeting kaya wala pang final decision ang Dos kaya bakit lumalabas ang pangalan nina Yam at Kristine?

Samantala, umoo naman sa amin ang aming source na totoong isasapelikula ang Darna ng Star Cinema, “Ang alam ko oo, pero matagal pa kasi hindi naman puwedeng pagsabayin ang TV at pelikula.

Hindi ko lang alam kung kailan kasi marami pang naka-line up ang Star Cinema.” Exciting ito, sa dami ng mga pwedeng magbida sa mga Kapamilya stars ay parang mahihirapan talaga ang ABS-CBN na pumili. Kaya abangan na lang natin.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending