Bagong programa nina MEGA at OGIE sa TV5 nilait, ang chaka raw | Bandera

Bagong programa nina MEGA at OGIE sa TV5 nilait, ang chaka raw

Reggee Bonoan - September 17, 2013 - 03:00 AM


“WAWA naman Mega (Sharon Cuneta), puro nega ang comment sa show nila ni Ogie (Alcasid)!” Ito ang sunud-sunod na text sa amin nu’ng Linggo ng isang kaibigan na nakapanood ng pilot episode ng The Mega And The Songwriter sa TV5.

Hindi naman kami maka-relate dahil The Voice ng ABS-CBN ang pinapanood namin habang nasa salon kami. Kaya sinagot namin ang nag-text ng, “Sayang naman, ipinagmamalaki pa naman ito ni Sharon sa nakaraang launching ng walong programa ng TV5 na maganda raw ang concept ng The Mega and The Songwriter.”

Ang dagdag na text niya sa amin, “E, kasi luma ang set, parang 80’s pa, pati ilaw, madilim, hindi na uso. Ang chaka!”  Kung sa production ang problema, hindi sina Sharon at Ogie ang dapat sisihin kundi ‘yung creative team ng show dahil sila ang bumuo niyan, di ba bossing Ervin? (Tomohhhh!

Pero sana hindi pumayag sina Mega at Ogie na maging ganu’n ang production dahil sila pa rin ang puputukan kapag chakang lumabas ang programa, di ba? – Ed)

Siguro dapat umupo rin sa meeting sina Sharon at Ogie para magbigay din sila ng suhestiyon kung ano ang gusto nilang gawin sa show nila para gumanda.

Lalo na ngayon, painit na nang painit ang The Voice kaya talagang tinututukan na ito ng mga manonood, kaya dapat ng magpakitang-gilas ang The Mega and The Songwriter sa susunod nilang mga episode.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending