ANDI baliw na baliw kay JAKE kaya walang malisya kay MATTEO | Bandera

ANDI baliw na baliw kay JAKE kaya walang malisya kay MATTEO

Reggee Bonoan - September 15, 2013 - 03:00 AM

“Hindi puwedeng hindi kayo magising sa mga magagandang eksenang mapapanood ninyo sa Galema!” Ito ang tiniyak sa mga manonood ng Master Storyteller at box-office director na si Wenn Deramas sa nalalapit nang pagpapalabas ng pinakabago niyang obrang pantelebisyon, ang Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Andi Eigenmann.

Ang Galema: Anak ni Zuma ay espesyal na handog ng ABS-CBN – ang tunay na tahanan ng hit Pinoy classics – sa afternoon TV viewers bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-60 taon ng telebisyon sa bansa at sa pagpapatuloy ng tradisyon ng pagbabahagi ng mga kwentong minahal noon sa komiks na nagpalawak ng imahinasyon at sumalamin sa kulturang Pinoy.

Halaw sa longest-running Pinoy komiks series na isinulat ni Jim Fernandez, ang Galema: Anak ni Zuma ay ekstra-ordinaryong kuwento ng pamilya at pag-ibig.

Sesentro ito sa buhay ng mabuting-loob na dalaga na si Galema (Andi) na minana ang sumpa ng kanyang ama na si Zuma—ang pagkakaroon ng kambal na ahas sa kanyang balikat.

Posible ba ang isang ordinaryong buhay para sa isang ekstra-ordinaryong babae tulad ni Galema? Ano ang kayang gawin ng isang anak na kapos sa pag-unawa at pagmamahal makamtan lamang ang respeto ng lipunan at pagtanggap ng kanyang tunay na mga magulang?

Makakasama rito ni Andi sina Matteo Guidicelli, Meg Imperial, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, at ipinakilala si Derick Hubalde bilang si Zuma.

Tungkol naman kina Andi at Matteo, huwag na raw nating bigyan ng malisya ang kanilang pagkakaibigan dahil talagang hanggang du’n lang daw muna ang kanilang samahan, kumbaga sa kasabihan, trabaho lang walang personalan.

Very open naman kasi si Andi sa kanyang feelings para sa binatang anak nina Mayor Erap Estrada at dating aktres Laarni Enriquez na si Jake Ejercito kaya wala talagang posibleng mamagitan sa kanila ni Matteo, sa ngayon.

Sabi nga ni Andi, nahihiya siya kay Jake kapag may mga isyung nagli-link sa kanya sa ibang lalaki. Ibig sabihin, natatakot siyang mawala uli ang tiwala sa kanya ni Jake.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending