BIMBY sa inihandog na kanta ni RYZZA MAE: Mama, I don't like it! | Bandera

BIMBY sa inihandog na kanta ni RYZZA MAE: Mama, I don’t like it!

Reggee Bonoan - September 03, 2013 - 03:00 AM

NAPANOOD namin ang guesting ng mag-inang Kris Aquino at Bimby Aquino Yap sa programa ni Ryzza Mae Dizon at aliw na aliw kami dahil extreme ang dalawang bagets.

Tama ang sinabi noon ni Kris na parang “Pido Dida” ang peg nina Ryzza Mae at Bimby – isang sosyal na Inglesero at isang masa.

Natawa kami nu’ng banggitin ni Aleng Maliit kay Bimby ang mga paborito niyang kanta tulad ng “Mr. Dreamboy” at nu’ng kantahan niya ang magiging ka-loveteam niya sa pelikulang “Little Bossings” ay hindi ito naintindihan ng bunso ni Kris at sabay sabi sa kanyang mama ng, “I don’t like it!” Ha-hahaha!

Halos lahat ng ipakita ni Ryzza Mae na litrato (kape’t pandesal, MRT, lugaw, pedicab, etc.) kay Bimby ay hindi nito alam at si Kris lang ang nag-eesplika sa anak kung anu-ano ang mga ito.

Pero natalo ni Aleng Maliit si Bimby nang sabayan siya ni Mickey Mouse sumakay sa ride na hindi pa nangyari sa bunso ni Kris maski na ilang beses na nilang nalibot ang Disneyland sa Hongkong, Japan at Amerika at ang nasabi lang ng bagets, “Mickey doesn’t know me.”

Samantala, curious kami kung paano na sina Ryzza Mae at Bimby sa harap ng kamera kapag wala na sa tabi nila si Kris na nagko-coach at kung paano na sila magkakaintindihan?

Sayang nga at hindi pa puwedeng bumisita sa first shooting day ng “Little Bossings” dahil baka raw ma-stress ang mga bagets kapag nakakita sila ng reporters o mag-iinterbyu sa kanila.

Alam mo ba bossing Ervin, habang pinapanood namin sina Aleng Maliit at Bimby, naisip namin, ano kaya pagdating ng panahon ay sila na ang maging magka-loveteam talaga?

At naaliw din kami sa sinabi ni Ryzza kay Kris na, “Ang ganda-ganda ninyo po, hindi kasi ako sanay makakita ng maputi, ano po nilalagay ninyo sa mukha?”

Nang sinagot ito ng Queen of All Media ng, “Olay”, ay sinabihan naman ni Aleng Maliit ang nanay niya ng, “Ma, gamit ka na rin ng Olay, para pumuti ka rin tulad niya (Kris).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nagkaroon na ng pictorial ang cast ng “Little Bossings” sa pamumuno nina Vic Sotto, Aiza Seguerra, Ryzza Mae, Bimby at Kris noong Sabado at dito rin unang nagkita ang dalawang bagets.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending