DAWN gustong dyowain si GERALD: Magiging mabuti siyang asawa! | Bandera

DAWN gustong dyowain si GERALD: Magiging mabuti siyang asawa!

Reggee Bonoan - August 31, 2013 - 03:00 AM


Nakakasilaw ang kinang ng diamond earrings ni Dawn Zulueta sa presscon ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin kaya’t iisa ang iniisip ng ilang katoto, kung galing ba ito sa pork barrel ng asawang si Davao Rep. Anton Lagdameo.

Nagkakaturuan kami bossing Ervin kung sino ang maglalakas-loob na tanungin ang aktres tungkol sa milyones na halaga ng hikaw pero tila nabusalan ang lahat dahil naisip naming wala ang pangalan ng kongresista niyang asawa sa listahan ng mga politiko na sangkot sa pork barrel scam.

Kaya naman sa one-on-one interview kay Dawn pagkatapos ng presscon ay tinanong siya tungkol sa pork barrel at pabor pala siyang tanggalin ito.

“I tend to agree na parang scrap out na nga lang, it’s my personal opinion,” diretsong sabi ng aktres. At kung tatanungin siya kung ano ang punto ng asawang kongresista sa pork barrel ay, “Well you have to ask him, his opinion.

“Kaya para wala na lang problema, ibigay na lang ang pera sa talagang kinauukulan para ‘yung mga taong nangangailangan would just go to the agencies, departments or bureaus na kailangan nila ng tulong para maiwasan nila ang duda sa mga pulitiko,” paliwanag ng hot momma na gaganap ngang nanay ni Gerald Anderson sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

And speaking of Gerald ay tinanong si Dawn kung ano naman ang masasabi niya sa binata ngayong nakatrabaho na niya ito sa isang teleserye, dahil si Coco Martin na anak naman niya sa Walang Hanggan ay sinabihan niya ng “yummy” nang tanungin kung paano niya ide-describe ang aktor.

“Si Gerald, yummy-yummy! Ha-hahaha! Hindi, actually cute-cute ang tawag ko sa kanya,” natawang sabi ni Dawn. Kaya natanong kung puwede bang ma-in-love ang aktres sa isang tulad ni Gerald kung wala pa siyang asawa?

“Why not? Alam mo ‘yang batang ‘yan nakita ko kung gaano siya ka-sweet sa mama niya, he’s really…pinahahalagahan niya ang nanay niya.

Ako naniniwala talaga ako na ang lalaking marunong magrespeto at magmahal ng kanyang nanay would be a very good husband,” papuri ni Dawn sa aktor.

Pero isiningit pa rin ni Dawn si Coco na mabait din daw ito sa pamilya, “Si Coco mabait din ‘yan, mababait ang dalawang anak kong ‘yan,” say pa niya sa amin.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending