Cristine, Derek Magdyowa Na | Bandera

Cristine, Derek Magdyowa Na

Reggee Bonoan - August 30, 2013 - 03:00 AM

Cristine Reyes at Derek Ramsay

PARANG may sariling mundo si Cristine Reyes nang dumalo sa grand presscon ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin noong Miyerkules ng gabi sa Dolphy Theater, panay kasi ang text nito habang ginaganap ang question and answer kaya bulungan ng mga katoto, bored na ang dalaga.

Kaya tinanong namin si Cristine sa one-on-one interview kung sino ang ka-text niya at kaagad niyang sinabing, “Mommy ko. O, hayan, basahin n’yo pa,” salag ng dalaga.

Samantala, masaya ngayon si Cristine dahil muli siyang mapapanood sa Primetime Bida kasama sina Rayver Cruz at Gerald Anderson, siya ang babaeng pag-aagawan ng dalawang binata sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin, “Almost one year rin kasi July 2012 pa nagtapos (Dahil Sa Pag-Ibig), tapos heto bumalik ulit ako sa primetime.”

Tinanong namin ang love life ng aktres, “Ang lovelife? Bakit kailangang tanungin talaga ang lovelife?” sagot niya. Kumusta naman ang working relationship nila ngayon ng ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz? At biglang feeling-cute ang aktres bossing Ervin, sabay sabing, “Oo nga, eh,” kaya’t sinundot namin siya ng bakit nagpapa-cute ka? Tumawa muna si Cristine bago nag-dialogue ng, “Cute lang talaga ako!”

Muli naming tinanong ang love life ng dalaga, “Ganu’n pa rin, I don’t know, nag-e-entertain,” sabay tawa. Pero hirit niya, “Kasi magsisinungaling lang ako, please, i-delete n’yo ‘yan (sabay sabi sa mga TV camera).”
Sabi namin, may alam kami sa kanya, “Naku, ikaw, lagi ka na lang may alam sa akin,” pandidilat na sabi sa amin ng aktres.

Kami ang nagsulat tungkol sa gym instructor na karelasyon niya na taga-Parañaque, may dalawang anak daw ang lalaki sa live-in partner. Iniwan ng guy ang nasabing babae para kay Cristine, pero ang balita, nagkabalikan na ang magka-live in.

“Oh my God, alam ko na ‘yung sinasabi mo, hindi ko siya ka-tienes,” seryosong sabi ng dalaga.
So kung hindi na ang gym instructor ang ka-tienes ng dalaga sino na ngayon? Binanggit namin ang pangalan ni Derek Ramsay dahil may nakapagsabi rin sa amin na sila na.

Ayon kay Cristine, “Yes, lumalabas kami, pero matagal na ‘yun, ah. Like two years na. Consistent naman kaming lumalabas.”

Kaya anong level na ba ang relasyon nila ni Derek? “Grabe, ano ba, ang dami mong…(tanong),” paiwas na sabi ng dalaga.

Nakakaloka, parang pusang naglalandi ng mga oras na iyon si Cristine at hindi malaman kung ano ang gagawin, nariyang napaupo, nariyang umiikot at tumalikod pa sa nag-iinterbyung press. Kaya hinila na namin ang buhok niya para tumigil na sa pag-iinarte. Ha-hahaha! Tinanong namin siya uli, ‘Ano na nga, yes or no lang ang sagot, kayo na ba ni Derek?’

“Puwedeng bigyan n’yo muna ako ng time ate, kasi hindi ko pa alam kung paano ko sasagutin ‘yan sa ngayon dahil gusto ko pag magsasalita ako, ‘yun na. Kasi pag sinabi kong friends pala tapos nalaman n’yo, alam n’yo ‘yun?” pakiusap sa amin.

“Gusto ko kasi kapag may sasabihin ako, sigurado na, alam ‘yun?” dagdag pa.

Kahapon, nag-text kami kay Derek at tinanong kung sila na nga ba ni Cristine, “Yes, completely unexpected,” agad na sagot ng aktor.

Tinanong namin kung kailan pa sila naging mag-on, “Yesterday (Miyerkules).”

E, kaya naman pala hindi makasagot ng diretso ang dalaga ng mga oras na kausap namin siya kasi hindi pa siya nagsasabi ng “yes” sa aktor at umoo lang siya pagkatapos ng presscon. Sinadya ba niya ito para sa promo ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin?

Anyway, hanggang saan ipaglalaban ni Cristine ang pagmamahal sa taong mahal niya sa totoong buhay, “Kung hanggang sa kaya ko. Siyempre po kung mahal na mahal ko ‘yung tao, gagawin ko lahat para sa kanya hanggang sa abot ng kaya ko,” say nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending