DANIEL naniningil na ng P7-M talent fee | Bandera

DANIEL naniningil na ng P7-M talent fee

Reggee Bonoan - August 28, 2013 - 03:00 AM


YOU got to believe bossing Ervin, nagtala ng mataas na ratings ang bagong serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng 34% sa ratings game kumpara sa katapat nitong programa na nakakuha ng 16% kaya naman masayang-masaya ang Star TV na producer ng kilig serye.

Inabangan talaga ng KathNiel fans ang pilot episode ng Got To Believe at ito ang matagal na nilang hinihintay kaya nga pinatapos na kaagad ni Judy Ann Santos ang Huwag Ka Lang Mawawala.

Nabanggit din sa amin ng TV executive na maganda talaga ang serye nina Daniel at Kathryn lalo’t si Cathy Garcia Molina pa ang nagdirek na gamay na gamay na ang genre ng romantic-comedy kaya hindi na nakapagtataka kung magki-click ito sa telebisyon tulad din ng mga pelikulang nagawa na niya.

Nabanggit sa amin na hottest young stars ng ABS-CBN sina DJ at Kath at hindi rin naman itinanggi sa kausap naming TV executive na kasama na ang batang aktor sa money-maker ng Dos dahil sa sangkaterbang endorsements nito at tinatayang naglalaro na sa lima hanggang walong milyong piso ang talent fee ng bagets bagay na hindi pa raw nakamit ng mga ka-edad niyang artista.

Sabi ng mga taong nakapaligid kay DJ, hilung-hilo na sila sa kaka-stretch ng schedule niya dahil kaliwa’t kanan ang inquiries at hanggang Abril, 2014 na raw sarado ang kalendaryo ng aktor at puwede lang singitian kapag may TV commercial shoot dahil ito naman talaga ang priority ng artista bukod sa tapings.

At bilang regalo sa buong sambayanang nanabik sa Got To Believe lead stars ay inilunsad ng programa ang espesyal na proyekto nitong “G2B Army Color Fun Run.”

Dahil sa masamang panahon, mula Agosto 25 ay inilipat sa Setyembre 1 (Linggo) ang araw ng fun run na gaganapin pa rin sa Aseana Business Park sa Parañaque City. Ang assembly time ay 7 a.m..

Ang G2B Army ay binubuo ng libu-libong Pilipino – bata o matanda – na ang pangunahing layunin ay makapagdulot ng mabuting pagbabago sa bansa. Ang mga may opisyal na race kits lamang ang maaaring dumalo sa G2B Army Color Fun Run.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending