JUDAY kapamilya pa rin, pero gagawa ng pelikula sa TV5 | Bandera

JUDAY kapamilya pa rin, pero gagawa ng pelikula sa TV5

Reggee Bonoan - August 26, 2013 - 03:00 AM

FINALLY, napanood namin ang isang linggong episode ng pagtatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala kahapon ng umaga dahil isang linggo ring nagloloko ang signal ng SkyCable sa lugar namin na ilang beses ng naitawag pero wala pa ring ginagawa pero kapag magdadagdag ng monthly fee ay agad-agad nilang ginagawa.

Going back to Huwag Ka Lang Mawawala, parang nabitin kami sa pagtatapos nito at parang may book two? Tama po ba kami Dreamscape Entertainment?

Tanda namin sa grand finale presscon nina Judy Ann Santos at KC Concepcion ay nabanggit ng una na baka may book two ang serye kaya siguro bitin ang ending dahil buhay si Eros (Sam Milby) at nasa mental institution at posibleng gumaling at maghiganti ulit dahil malalaman niya na sina Anessa at Alejo (John Estrada) ay nagkakamabutihan o baka nga nagsasama na paglabas niya.

At posibleng sina Alejo at Alexis (KC) ang magkatuluyan sa bandang huli dahil hindi na mahal ni Anessa si Eros.
Anyway, sana nga may book two ang serye bossing Ervin kasi bitin talaga at nabanggit din naman ni Dreamscape head Deo T. Endrinal na may follow-up serye sina Sam at KC at ang next serye uli ni Juday ay sa kanila gagawin dahil uunahin muna niyang gawin ang reality show na Bet On Your Baby kapag nag-renew siya ng kontrata sa ABS-CBN bukod pa sa isa pang reality show na I Do.

Ayon sa source namin ay magre-renew naman si Juday ng kontrata sa Dos pagkalipas ng isang buwang pamamahinga, ito naman ‘yung time na gagawa siya ng pelikula sa TV5 na kukunan pa sa Paris, France kasi nga wala namang gagawing pelikula ang aktres sa Star Cinema.

And speaking of TV5, hindi pa rin natutuloy ang dinner nina Juday at Chairman Manny V. Pangilinan dahil nga isang linggong “nagtalik” sina Habagat at Maring kaya’t sinabayan naman daw nina Budaday at asawang si Ryan Agoncillo ng bakasyon sa isang beach resort.

Natawa nga kami dahil kung kailan naman bumabagyo ay saka nila naisip mag-beach?  Samantala, ang laki na nga talaga ng improvement ni KC sa pag-arte kumpara sa rati at maganda rin pala talaga na nabigo siya sa pag-ibig para may paghuhugutan siya ng emosyon.

Si Sam naman ay nag-improve ang pananagalog kumpara sa mga nauna niyang serye, more practice ulit para sa next soap niya ay hindi na siya nagkakamali. At mas gusto na namin sa kanya ang dirty looking at kontrabida role kaysa good boy.

Hindi na namin kailangang purihin pa si Juday dahil alam naman ng lahat kung gaano siya kagaling na artista, gayun din sina Mylene Dizon, John, Coney Reyes, Susan Africa at Tirso Cruz lll.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending