ANGEL naghahanda nasa pagtakbo sa 2016 ELECTION? | Bandera

ANGEL naghahanda nasa pagtakbo sa 2016 ELECTION?

Reggee Bonoan - August 22, 2013 - 03:00 AM


ILANG kababayan na naman natin ang nasalanta ng bagyong Maring at Habagat noong Lunes at Martes, kabilang na ang ilang kaibigan namin na taga-Binan, Laguna, Marikina, Cainta, Rizal, Cavite, Pasig, Parañaque, Bulacan at Mandaluyong na pinasok talaga ng baha ang mga bahay.

Wala kaming ginawa kundi mag-monitor sa social media kung sinu-sino ang mga binaha at talagang nakakasama ng loob dahil ‘yung iba ay kakilala pa namin at sobrang helpless sila.

Hanggang sa nabasa namin ang mga post ng katotong Nherz Almo sa kanyang Facebook account na talagang ikinahagalpak naming nang husto.

“Siguro sina Maring at Habagat nagme-mate today kaya mas intense. Haliparot na bagyo! Wala silang tigil, taas ng energy! Get a room Maring and Habagat! Malaki ang room sa gitna ng Pacific Ocean. Sana du’n na lang sila!” sabi pa.

Noong hapon ng Martes aniy naman, “Huminto ang ulan, tahimik. Nakakatakot ‘to nagre-recharge sina Maring at Habagat. Baka mamaya another round na naman silang dalawa!” At kahapon ng madaling araw, “Parang may LQ ngayon sina Maring at Habagat. Pabugsu-bugso ngayon ang malakas na ulan.”

Sinundan pa ng, “Ayan, mukhang maghihiwalay na sina Maring at Habagat. Slowly walking out na si gurl.” Kahapon ng umaga ay ibinalitang umalis na ng Philippine Area of Responsibility si Maring, pero naiwan si Habagat at muling nag-post ang katotong Nherz ng, “Split na sina Maring at Habagat.” He-hehehe!

Anyway, na-monitor din namin kung sinu-sino sa mga public official ng gobyerno ang naglilibot para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo at iilan lang ang nabalitaan namin na sina Red Cross Chairman Dick Gordon at Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla na kinunan ng ilang kababayan at pinost sa social media.

Siguro ay may ilang opisyal din ng gobyerno ang tumulong pero hindi nakunan ng litrato kaya binibigyan pa rin namin sila ng benefit of the doubt.

And for the nth time ay muling nakita namin ang TV host na si Kris Aquino na tumulong na naman at pinupuri namin siya dahil hindi siya pinasusuweldo ng taumbayan pero nagagawa niyang tumulong sa mga nangangailangan.

Bagama’t endorser si Kris ng mga produktong pagkain pero hindi siya nanghihingi para sa relief operations nila, talagang nagpapabili siya ng kahon-kahong de lata, noodles, goodies, toiletries na ipinamahagi niya sa mga kababayan nating nasalanta sa Taguig noong Martes kasama ang Kris TV staff headed by Darla Sauler.

Sumunod niyang pinuntahan ang Binan, Laguna na pinamumununan ni Mayor Len Alonte  at kasama niya ang ate Ballsy niya kung saan nagpakain sila ng mga tagaroon.

Kahapon naman ay nasa Parañaque City sila para sa pagpapatuloy ng relief operations sa mga kababayang inabot ng baha.
As usual, marami na naman ang tumitira kay Kris dahil ang tunay daw na pagtulong ay hindi bino-broadcast o pinakukunan ng litrato at asahan daw na may kapalit ito mula sa taumbayan.

Kaya po documented lahat ng ginagawang pagtulong ni Kris ay para ipaalam sa ilang opisyales ng gobyerno na maski wala ka sa posisyon ay puwede kang tumulong at higit sa lahat, sa sarili niyang bulsa nanggaling ang ipinangtulong niya at hindi galing sa pork barrel na pinagtatalunan ngayon sa senado.

Kung sakaling maisip na ni Kris na kumandidato pagdating ng panahon ay alam na ng taumbayan na kapag may mga ganitong problema ay madali siyang lapitan at marahil, ang pork barrel na makukuha niya ay maaasahang ibabalik ito sa taumbayan.
Hindi kailangan ni Kris ang mangurakot dahil may sarili siyang pera at alam ng lahat ‘yan kung sino ang number 1 taxpayer ng 2012.

Samantala, nabalitaan din naming isa Angel Locsin sa naglibot noong kasagsagan ng bagyong Maring at Habagat na nakatutuwa dahil sa tuwing may ganitong kalamidad ay maaasahan mo talaga ang aktres.

Pinuntahan niya ang Sto. Domingo Church kasama ang Red Cross team. Nakita ring katulong ni Angel ang personal assistant niya sa pagbabalot ng relief goods na ipinamahagi rin kahapon na galing din mismo sa sariling bulsa ng aktres.

Ilang beses na naming tinanong ang aktres kung may plano siyang kumandidato for public office, pero wala raw ito sa bokabularyo niya dahil puwede naman daw tumulong maski wala sa posisyon.   Oo nga naman basta bukal sa loob mo, di ba bossing Ervin. (Tomohhhh!  – Ed)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending