SUNSHINE 13 TAON nagtiis sa pambabae ni CESAR; napalitan ng galit ang sobrang pagmamahal | Bandera

SUNSHINE 13 TAON nagtiis sa pambabae ni CESAR; napalitan ng galit ang sobrang pagmamahal

Reggee Bonoan - August 19, 2013 - 03:00 AM

“SEXY star lang si Sunshine (Cruz) pero si Cesar (Montano) ang una niyang boyfriend at naka-divirginize sa kanya!” Iyan ang ipinagdiinan ng manager ng kontrobersiyal na aktres na si tito Alfie Lorenzo nang makachikahan namin siya kamakailan.

Ito’y may kinalaman nga sa paratang ng kampo ni Cesar na may bago nang boyfriend si Sunshine at pinalalabas ngang mahilig siyang makipag-flirt.

“Alam ni Cesar ‘yan, kaya nga niya pinakasalan ng tatlong beses si Sunshine, isa sa simbahan sa Quezon City, sa Coconut Palace at sa underwater,” sabi pa ni tito Alfie bilang pagtatanggol sa kanyang alaga.

Matagal na rin palang nag-file ng annulment si Sunshine, pero ayaw makipag-cooperate ni Cesar, “e, kasi nga, gusto niyang makipagbalikan pa, buuin daw ang pamilya, e, paano mabubuo kung patuloy naman siyang nambababae,” katwiran ng manager.

Nabanggit din na bago nag-umpisa ang relasyon daw ni Cesar sa starlet na si Krista Miller ay pinagsabihan na raw ni Sunshine ang asawa na huwag i-entertain ang mga text at tawag nito na nag-aambisyong mag-artista dahil magagamit lang siya.

“E, sabi ni Sunshine kay Buboy, huwag mo sagutin ang mga text at tawag kasi magagamit ka, mag-aartista ‘yan, e, hindi nakinig, paano nga naman tatanggihan kung palay na ang lumalapit sa  manok, e, di hayan.

Napuno si Sunshine, ayaw tumigil, eh,” nangingising kuwento pa ni tito A.  At ang sinasabing ni-rape ni Cesar ang asawa noong Mother’s Day ay pinabulaanan ng aktor at nagsisinungaling lang daw ang aktres dahil magkakasama pa nga raw silang kumain sa labas kasama ang mga anak nila.

“May 14 daw sila nag-dinner na pamilya, actually, sina Sunshine at mga bata lang nag-dinner, sumunod lang si Cesar. ‘Yung May 12, supposedly, lalabas sila, e, ‘yun nga, may nangyaring hindi maganda kaya paano sila magdi-dinner?” klaro ni tito Alfie.

Ano naman ang reaksyon ng mga anak nina Cesar at Sunshine sa gusot ng mag-asawa at sa mga nangyayari sa kanilang pamilya? “Matatalino mga anak nina Sunshine at Cesar, kita mo nga, maayos, at saka sa walong buwang hiwalay sila, hati naman sila ng araw sa mga bata, maayos naman, pero nitong huli, hindi isinoli ni Cesar ang mga anak kay Sunshine nang dalawang linggo na at sabi nga may boyfriend ang mommy nila.

“Pinanakot ni Cesar na hindi na makikita ni Sunshine ang mga anak kaya bumalik na siya, e, hindi alam na sa korte na sila hahantong,” patuloy na kuwento sa amin.

Tinanong namin kung ideal dad si Cesar sa mga anak, “Oo, generous siya sa mga anak niya, mabait at kapag may kasalanan, siyempre, napapagalitan sila,” mabilis namang sabi sa amin.

At bilang asawa, ideal husband ba si Cesar, “Ikaw ang sumagot n’yan.  Kung hindi nambabae siguro, puwede,” sabi ulit sa amin.
“For 13 years, hindi pa ba sapat ‘yung pagtitiis ni Sunshine, panay nga ang panalangin niya na sana magbago na si Cesar, e, ang nangyari, si Sunshine ang nagbago, na-fall out of love na raw siya, sabi ko nga, baka kunwari lang kasi nga sabi niya rati first love niya, e, hindi na raw.

At friendship na lang daw ang puwedeng i-offer ni Sunshine kay Buboy,” say pa. “Parang blessing na nga rin kasi dumami ang offers ni Sunshine nu’ng naghiwalay sila, kita mo nga, hindi pa tapos ang Dugong Buhay, may Galema na kaagad siya. Tapos may mga endorsements pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saka walang makakapagsabi na walang karir si Sunshine noong nag-asawa siya dahil sikat siya no’n ‘no nu’ng itanan siya ni Cesar.  Hindi ba nga, hindi natapos ‘yung pelikulang ‘Dukot Queen’ kasi ikinasal na.  At iniwan niya ang showbiz for 13 years para sa pamilya niya,” dagdag sabi pa ni tito Alfie.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending