PIOLO umatras na sa ‘KIMMY DORA 3’, magbabayad ng P.5-M sa MMFF
KAILAN lang namin nasulat dito sa BANDERA na muntik nang i-give up ni Piolo Pascual ang pelikulang “Kimmy Dora 3”, mabuti na lang at nagawan ng paraan ang schedule niya.
Pero sa huling meeting ng mga may-ari ng Spring Films kasama na si Piolo ay nagsabi na itong hindi na niya kakayaning pagsabayin ang shooting ng “Kimmy Dora 3” at pelikula nila ni Toni Gonzaga na sinu-shoot pa rin hanggang ngayon mula sa direksyon ni Olive Lamasan.
Ang napiling kapalit ng aktor ay si Sam Milby na tamang-tama naman dahil lumuwag ang schedule ng aktor dahil patapos na ang Huwag Ka Lang Mawawala nila ni Judy Ann Santos.
Magmumulta ng kalahating milyong piso ang Spring Films dahil hindi nasunod ang cast ng pelikula base sa isinumite nila sa MMFF, pero mas okay na raw yun kaysa hindi sila umabot sa deadline at mag-suffer pa ito dahil nga paspasan din ang shooting ni Piolo sa pelikula nila ni Toni.
Hindi ba’t ganito rin ang problema noong isang taon ng “Sisterakas”, bossing Ervin nang biglang umurong si Kris Aquino dahil nga nawalan siya ng boses, pero hindi pumayag ang Star Cinema na ma-technical sila bukod pa sa multang kalahating milyon kaya talagang pinilit ni Kris na tapusin ang pelikula.
Ang sabi naman ng manager ni Sam at isa rin sa Spring Films producer, “Mahihirapan naman si Sam kung mag-movie tapos may soap pa kasi by end of August may ‘Acoustic Heartthrobs’ series of shows siya with Pokwang at Paulo Avelino sa Hawaii, San Francisco, tapos may ‘One Kapamilya Go’ sa New York and Sanfo ng October 18 and 20.
Then ‘Hearthrobs Reloaded’ with Piolo, Angeline (Quinto) and Pokwang sa US at Canada sa October.” Nag-umpisa na ring mag-shoot si Sam ng “The Gifted” na balik-tambalan nila ni Anne Curtis mula sa Viva Films at Star Cinema sa direksyon ni Chris Martinez.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.