KATHRYN-DANIEL fans dapat lang respetuhin si JUDAY | Bandera

KATHRYN-DANIEL fans dapat lang respetuhin si JUDAY

Reggee Bonoan - August 09, 2013 - 06:21 PM


MARIING pinabulaanan ng AdProm head ng Dreamscape Production na si Biboy Arboleda ang nasulat na kaya napaaga ang pagtatapos ng serye ni Judy Ann Santos na Huwag Ka Lang Mawawala ay dahil bagsak ang ratings nito.

“Sa totoo lang, never namang nanalo ang katapat na programa ng Huwag Ka Lang Mawawala, eh. Silipin nila ang nationwide ratings, hindi ang Mega Manila lang. We’re talking about the nationwide ratings, not just Metro Manila only.

“Admittedly, maingay ang My Husband’s Lover, kasi maiingay ang mga beking tulad ko, but it doesn’t mean na tinalo na sa ratings, we have all the documents. At sa bibliya ng advertisers, mas marami pa rin ang may gusto sa HKLM.

At gusto ko ring iklaro na may mga nagsabing, mag-produce rin ang Dreamscape ng gay-lesbian show, nagawa na po namin lahat ‘yan sa MMK (Maalaala Mo Kaya), nagkataon lang na once a week ang MMK at every night ang sa kanila,” paliwanag mabuti sa amin ni Biboy.

Totoong hanggang Agosto 23 na lang ang serye ni Juday at may panibago uling project ang aktres mula sa Dreamscape, hindi lang nila alam kung tatanggapin ni Juday at ng manager niyang si tito Alfie Lorenzo.

Hindi itinanggi ni Biboy na totoong naapektuhan si Juday sa palipat-lipat na timeslot ng serye kaya’t ang mismong aktres na raw ang nagsabi sa management na tapusin na ito kaysa ilipat sila ulit ng oras.

Dating kasunod ng Juan dela Cruz ang Huwag Ka Lang Mawawala at nu’ng ipasok ang Muling Buksan Ang Puso nina Enchong Dee, Julia Montes at Enrique Gil ay naurong ang timeslot nito, pero ngayong ieere na ang Got To Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay muli na namang uurong ang HKLM, na hindi na nagustuhan ni Juday.

Dagdag pa na nalungkot ang aktres sa nagwawalang fans nina Daniel at Kathryn dahil hindi pa ipinalalabas ang Got To Believe kaya’t kung anu-anong paninira na ang ikinalat laban kay Juday, kasama na ang pagbagsak daw ng serye nito sa ratings game.

“Kaya si Juday na mismo ang nagsabing tapusin na kaya bumilis ang pacing ng kuwento na dapat sana’y 13 weeks,maka-cutshort ito ng two weeks kaya almost 12 weeks siya, umeere na ngayon ang 9th week.

“May mga nasulat na nagtampo sa amin (Dreamscape) si Juday dahil pinababayaan namin siya, of course not, hindi po namin pinababayaan si Juday at alam niya ‘yan, kaya nga nu’ng nag-meeting kami, binanggit namin lahat at alam din niya ang totoo, so nag-decide siya at siya mismo ang kumausap sa management na tapusin na to give way to Got To Believe.

“Kaya sana itong Kathniel fans, sana naisip nila na kabuwanan (buntis) noon ni Juday pero nagpa-VTR siya para i-endorso ang Mara Clara nina Kathryn at Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana naisip nila  ang salitang respeto dahil maganda ang ginawa ni Juday para sa Mara Clara. Iisang kuwadra tayo, bakit may mga ganyang isyu na inaaway ang parehong artista ng ABS-CBN? Mali ‘yun, dapat nagtutulungan at hindi ‘yung kung anu-anong kasiraan,” esplika ni Biboy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending