ANGEL: Ok lang, kawawa naman ako kung ako pa ang mamimilit sa kanyang maghalikan kami! | Bandera

ANGEL: Ok lang, kawawa naman ako kung ako pa ang mamimilit sa kanyang maghalikan kami!

Reggee Bonoan - August 08, 2013 - 03:00 AM

NAPADAAN kami sa taping ng Toda Max noong Martes ng gabi, inabutan namin si Angel Locsin na nag-a-upload ng pictures nila sa Japan ng boyfriend na si Phil Younghusband.

Kararating lang pala nina Angel at Phil noong Lunes ng gabi kung saan sila nagdiwang ng kaarawan ng Azkals football player.
“Wala na kasi akong time mag-upload kaya heto, in between (takes), mga kuha namin sa Japan, ate,” bungad ng aktres.

“Bitin nga, eh, five days lang kami sa Japan, kailangan nang bumalik kasi may trabaho. Sarap, nag-enjoy naman kami,” sey ni Angel.

Habang pinapanood namin siyang nag-a-upload ng mga litrato nila ni Phil ay nakita namin ang screen saver ng laptop niya na isang black and white picture na kuha nilang dalawa sa isang bangka na parehong naka-shades.

Sabi namin sa dalaga para silang parehong foreigner at napakaganda talaga nilang tingnan, parang sina Brad Pitt at Angelina Jolie sa ganda, perfect combination.

Biro nga namin sa kanya, ang gaganda siguro ng magiging mga anak nila – napangiti lang ng pagkatamis-tamis si Angel.
“Ha-hahaha! Sana nga ate,” sambit sa amin ng dalaga.

Kailan naman sila pakakasal ni Phil? “Wala pa, eh. Baka nga mauna ka pa sa akin,” seryosong sabi niya sa amin na ikinagulat namin. Kaya hayun na bossing Ervin, kami na ang ininterbyu ni Angel. Kalurky!

Samantala, kaya pala napaaga ang dating ni Angel galing Japan ay dahil first taping day sana nila ni Jericho Rosales ng kanilang soap drama noong Lunes, pero biglang na-pack up, hindi naman daw niya alam ang dahilan.

Dito na namin tinanong kung ano ang pakiramdam niya na hindi natuloy ang pagsasama nila ni Paulo Avelino dahil tumanggi raw ito sa nasabing project, “Actually, hindi ko pa siya nakilala at hindi ko pa siya nakikita ng personal.

Sabi nila magaling daw which is nakita ko naman din (sa Walang Hanggan nina Julia Montes at Coco Martin).
“Siguro kung ang reason niya bakit siya nag-back out ay dahil sa akin at ayaw niya akong makasama, e, sasama talaga ang loob ko, pero hindi naman daw iyon ang rason, may personal siyang problemang inaayos.

So okay na rin ‘yun,” katwiran ng aktres na hoping pa rin na magkakasama pa rin sila ni Paulo in the future. Tungkol naman kay Jericho ay hindi pa rin sila nagkikita kaya wala pa siyang masasabi tungkol sa aktor, pero aniya, gusto niya ay light comedy lang ang serye nila.

Sabi namin, tiyak na wala silang kissing scene ni Echo dahil ang mismong aktor na ang umaayaw dahil ayaw niyang masaktan ang fiancé niyang si Kim Jones.

“Aba’y tama rin lang ate, kasi kawawa rin naman ako kung ako pa ang mag-i-insist na may kissing scene, saka kawawa rin naman si Phil,” maagap na sabi ng aktres.

Samantala, sobrang pasalamat si Angel at ibang cast ng Toda Max kay Ai Ai delas Alas dahil pumayag daw itong mag-guest sa show nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero hindi raw niya alam kung magiging regular na si Ai Ai sa Toda Max dahil wala pang binabanggit sa kanila.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending