Daniel-kathryn Fans Suspek Sa Paninira Sa Teleserye Ni Juday | Bandera

Daniel-kathryn Fans Suspek Sa Paninira Sa Teleserye Ni Juday

Reggee Bonoan - August 07, 2013 - 07:07 AM

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at Judy Ann Santos

WALA kami sa Maynila nang may magbalita sa amin na galing sa ilang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang isyung hindi na nagri-rate ang Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos kaya tsutsugihin na ito at hanggang Agosto 23 na lang sa ere.

Tinalo na raw kasi ng My Husband’s Lover ang serye nina Juday at Sam Milby na isang malaking kasinungalingan dahil base sa ratings game na inilabas ng Kantar Media sa national TV ratings noong Biyernes, Agosto 2 ay nakamit ng soap drama ni Juday ang 28.1% kumpara sa 14.5% ng serye naman nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

Hindi kami bulag na totoong pinag-uusapan saan man sulok ang My Husband’s Lover at maski nasa Butuan City kami nitong weekend ay ito rin ang usapan ng mga beki pero pinagkukuwentuhan din nila si Juday dahil iba nga raw ang role niya sa bagong soap nito, hindi na the usual Judy Ann Santos na iyakin na parating nagpapaawa effect.

Bagama’t ilang beses na naming isinulat na hindi pa nalampasan ng MHL ang HKLM ay ipinipilit pa ring talo kaya’t nagkaroon ng imbestigasyon at nalaman na nanggaling pala sa ilang KathNiel fans kasi nga gusto na nilang ipalabas ang Got To Believe.

Kaya hindi maipalabas ang Got To Believe ay dahil nag-iipon pa ng episodes si direk Cathy Garcia-Molina dahil nga hindi niya kaya ang hand-to-mouth system pagdating sa soap drama dahil mabusisisi raw siya at ayaw niya ng ngaragan sa taping.
Ito ang katwiran sa amin ni direk Cathy nang makatsikahan namin siya three weeks ago, kapag daw kasi may isang buwang bangko na siya ay puwede nang ipalabas ang serye at nu’ng huli namin siyang makausap ay dalawang linggo palang ang bangko niya kaya hindi pa pwedeng iere bukod pa sa wala pang available na timeslot.

Dito na nakasilip ng butas ang ilang KathNiel fans na walang maibigay na timeslot para sa GTB kaya kung anu-anong paninira na ang pinakalat nila at kesyo tsugi na nga ang HKLM.

Para sa kaalaman ng lahat, talagang 13 weeks lang ang serye ni Juday base rin sa kontrata at usapan nila ng ABS-CBN dahil ayaw talaga niya ng extension. Sa totoo lang, may alam kami kung kanino nanggagaling ang mga balitang hindi nagri-rate ang HKLM at ginagamit din ang KathNiel fans.

At hindi ba naisip ng KathNiel fans ang tulong na ibinigay noon ni Juday kina Julia Montes at Kathryn nang i-remake nila ang Mara Clara.
Natatandaan pa ba ninyo ito, KathNiel fans? Matuto naman kayong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending