JOLO REVILLA, JODI STA. MARIA baliw na baliw sa isa't isa, malapit nang magpakasal | Bandera

JOLO REVILLA, JODI STA. MARIA baliw na baliw sa isa’t isa, malapit nang magpakasal

Reggee Bonoan - August 05, 2013 - 03:00 AM


Kasama ni Jodi Sta. Maria si Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla dito sa Butuan at ang anak na si Gab kaya binibiro namin sila na isa nang happy family. Hinanap namin sa kanila si  Thirdy, “Naiwan ang bagets,” saad ng aktres.

Bihira na raw kasing magkita sina Jolo at Jodi kaya isa sa kanila ay gumagawa ng paraan kapag libre ang oras ng isa, “Galing ako ng Ilocos para sa convention, e, paalis naman siya kaya sumama na lang ako, sobrang busy kami pareho,” sabi ni Jolo sa amin.

Walang pakialam ang batang politico kahit na sabihin pa ng ibang tao na mistula siyang bodyguard ni Jodi, basta ang mahalaga sa kanya ay makasama ang kanyang kasintahan sa mga ganitong pagkakataon.

Biniro nga namin ang magkasintahan na masaya sila sa isa’t isa dahil ang ganda-ganda at sexy ngayon ni Jodi at si Jolo naman ay gumuwapo dahil tumaba.

Ang sagot sa amin ng bise-gobernador, “Basta, huwag kang mawawala, ha!” na ikinaloka naming. Imbitasyon na kaya iyon sa nalalapit nilang kasal, bossing Ervin?

Pero biglang sumabat si Jodi, “Huy, ikaw, baka maniwala!” at sabay tawa ni Jolo na kumindat pa. Nakakaloka sina Jolo at Jodi, parang mga hayskul pa kung magbiruan at maglambingan, in fairness, cute nilang dalawa bossing Ervin, promise!

Samantala, kaagad ding lumipad pabalik ng Maynila sina Jolo at Jodi pagkatapos ng show dahil may pasok na ngayong araw ang una at marami raw siyang trabaho sa Cavite, at balik-taping naman si Jodi para sa Be Careful With My Heart.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending