CATHY GARCIA: Ako lang ang DIRECTOR sa ABS-CBN na walang bahay at pera! | Bandera

CATHY GARCIA: Ako lang ang DIRECTOR sa ABS-CBN na walang bahay at pera!

Reggee Bonoan - August 01, 2013 - 03:00 AM

ISANG taong hindi magdidirek si Cathy Garcia-Molina ng pelikula dahil magko-concentrate raw muna siya sa Got To Believe serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

At kung magki-click ang nasabing kilig-serye ng dalawang hottest young stars ng ABS-CBN ay posibleng ma-extend ito at matatagalan pang lalo bago makabalik sa pelikula ang box-office director ng Star Cinema.

Tinanong namin si direk Cathy kung bakit biglang nabago ang desisyon niyang mag-shift sa telebisyon na rati’y ayaw niya dahil nga mabusisi at mabagal siya at tanda naming sinabi niya noon, “Hindi kasi ako puwede sa hand to mouth, hindi ko kakayanin, kasi medyo mabagal ako magdirek.”

Ang ibinigay na rason ni direk sa amin nang magkita kami sa ABS-CBN ay, “Kailangan ko kasing mag-ipon, nagpapagawa ako ng bahay.”

Napakunot-noo kami dahil kilalang box-office director ang kausap namin dahil halos lahat ng pelikulang ginawa niya sa Star Cinema ay kumita ng hundreds of millions.

“Ano ka ba, di ba lagi ko naman sinasabi na sa lahat ng direktor dito (ABS-CBN) ay ako lang ang walang bahay at pera? Wala naman kasing pera pag nagdirek ka ng pelikula, passion ko lang talaga.

Nasa telebisyon ang pera kasi per taping ang bayad dito,” pagtatapat sa amin ng  direktor.  Kasalukuyang nagpapagawa ng bahay si direk Cathy sa may Antipolo at isang taon nga raw ang kailangan niyang bunuin para matapos ito.

Bakit sa Antipolo nagpapagawa ng bahay si direk Cathy, e, malayo ito sa ABS kung saan siya nagtatrabaho. “Doon din nag-aaral ang anak ko, so para mas malapit na rin.”

Samantala, tinanong din namin kung kailan ba talaga ipalalabas ang Got To Believe nina Daniel at Kathryn? “Hindi ko pa rin alam, siguro pag nakapagbangko na kasi as of now, dalawang linggo palang ‘yung pondo namin, e, masyadong mabilis ang pacing ngayon at saka gusto nila canned na rin.”

Hayan para sa fans na nag-aabang ng Got To Believe, konting panahon na lang at mapapanood ninyo na sina DJ at Kath.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending