GRETA natupad ang hiling na makatrabaho si JUDAY | Bandera

GRETA natupad ang hiling na makatrabaho si JUDAY

Reggee Bonoan - July 30, 2013 - 03:00 AM

Napalaban sa matinding akting si Gretchen Barretto sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala ng Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.  Siya ang bagong karakter na kasali sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN.

“Sobrang sarap ng pakiramdam nang malaman kong personally handpicked ako ni Juday!” masayang pahayag ni Gretchen na agad na tinanggap ang role kahit pa malapit nang magsimula ang bagong teleseryeng pagbibidahan niya.

“Matagal ko nang gustong makatrabaho si Juday kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon matupad ang isa sa mga pangarap ko.

Alam naman nating lahat na sa kanyang henerasyon, isa siya sa pinakamagaling, kung hindi man pinakamagaling sa lahat.”
Dagdag ni Gretchen, isang malaking blessing sa kanya ang mapasama sa Huwag Ka Lang Mawawala, kaya wala na siyang panahon pa para magreklamo sa buhay.

Gagampanan niya ang karakter ni Atty. Eva Custodio, “Nakakatuwa na nandito pa rin ako sa industriya matapos ang maraming taon at ang pagiging isang Kapamilya ay tunay na isang blessing sa akin.”

Samantala, isang mas matapang at mas palabang Juday na ang napapanood sa Huwag Ka Lang Mawawala bilang si Anessa matapos nga siyang tulungan ni Dra. Maria Balaguer (Amalia Fuentes).

Abangan kung paano niya paghihigantihan sina Eros (Sam Milby) at ang pamilya nito. kamakailan.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending