Bahay nina ZSA ZSA at DOLPHY target ng akyat bahay gang, mga gwardiya sobrang higpit | Bandera

Bahay nina ZSA ZSA at DOLPHY target ng akyat bahay gang, mga gwardiya sobrang higpit

Reggee Bonoan - July 23, 2013 - 03:00 AM

NILINAW ng manager nina Zsa Zsa Padilla at Zia Quizon na si Nene Atilano na hindi for sale ang bahay nila sa Marina Bay, Parañaque City.

Nakatsikahan namin si Nene nang manood kami ng concert ng Sponge Cola sa Music Museum noong Biyernes. “Nagtataka nga si Zsa Zsa kasi saan nanggagaling ang mga balitang for sale ang bahay nila? Hinding-hindi niya ibebenta ‘yun dahil nandoon ang memories nila ni Mang Dolphy,” paglilinaw ng manager.

Hindi raw masyadong pinansin ng Divine Diva nu’ng una niyang marinig ang balitang ito, pero sunud-sunod na itong nasusulat sa mga pahayagan at sinabayan pa ng mga sumbong mula sa mga guwardiya ng subdivision na maraming gustong tingnan ang bahay nila.

“Iniisip namin, baka may mga gusto na namang pumasok, kasi dalawang beses ng ninakawan ‘yung bahay. Dati kasi hindi mahigpit ang mga guard sa Marina, buti ngayon sobrang higpit na.

“Siguro may mga nagmamanman o pinag-aaralan kung anong araw walang tao sa bahay nila kasi nga lahat working, pag Linggo, di ba, akala nila walang tao, e, mayroon naman.

Kaya siguro ang alibi ng mga pumupunta, ipinagbibili ang bahay kaya gustong tingnan, gustong pumasok,” pagtatapat ng manager ng TV host-actress.

Sina Zia at Nicolle ang kasama ni Zsa Zsa sa bahay nila sa Marina at ilang staff samantalang si Karylle naman ay nasa daddy pa rin niyang si Dr. Modesto Tatlonghari nakatira sa may P. Guevarra Street sa San Juan.

Nakuwento rin ni Nene na pressured daw si Karylle kapag nakikita niyang tuwang-tuwa ang mama Zsa Zsa niya sa mga bata dahil feeling niya ay gusto na niyang bigyan ng apo ang Divine Diva.

“Walang planong mag-asawa pa ang mga dalaga ni Zsa Zsa, si Zia, nag-eenjoy sa buhay niya at siyempre sa career niya, si Karylle naman, negosyante, inuuna muna ang  negosyo at career din, si Nicolle naman busy sa work niya sa advertising events.

“Base sa nakikita ko ha, wala sa isip nila at heto ka, ang aim nila ay mag-ipon nang mag-ipon. Hindi ko nga alam kanino nagmana, ang kukuripot, hindi naman ganu’n sina Zsa Zsa at Mang Dolphy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marunong silang humawak ng pera, magaling lahat,” pambubuking pa sa amin. Samantala, magkakaroon daw ng solo concert si Zia sa Music Museum sa darating na Setyembre at may pangarap na concept ang manager ng mag-iina, “Sana ‘no, may concert ang mag-iina, kaso hindi naman kumakanta si Nicolle, okay sana silang mga anak ang back-up ni Zsa Zsa, parang The Supreme ang dating,” kuwento pa sa amin ni Nene.

( Photo credit to google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending