Dyowa ni KARYLLE sobrang daldal na, taklesa pa
Punong-abala si Karylle sa show na “Maximum Capacity” ng Sponge Cola sa Music Museum noong Biyernes na gusto sana naming interbyuhin pero nahiya na kaming lapitan dahil bisi-bisihan sa pag-istima ng mga bisitang manonood ng show ng boyfriend niyang si Yael Yuzon, bukod pa sa kaka-piktyur sa love of her life habang kumakanta ito sa entablado.
Bilib kami sa suporta ng pamilya ni Karylle sa show ng Sponge Cola dahil nanood si Ms. Zsa Zsa Padilla at isa naman sa special guest si Zia Quizon at may production number pa sila ni Yael.
Hindi kami masyadong pamilyar sa mga awitin ng Sponge Cola pero may mga nagustuhan kaming melody na na-enjoy din namin lalo na sa By Request” portion ng banda na kung anong banggitin ng audience ay kakantahin nila at aliw na aliw kami dahil bagay naman pala ni Yael kumanta ng pop lalo na nu’ng kantahin niya ang “Cry” at pagkatapos ay ikinuwentong pinanood nilang magkakaibigan ang pelikulang “A Walk To Remember” (2002), “Isang hilera kami at anim na lalaki kaming nag-iiyakan lahat, kakatawa ‘no?” aniya.
Nagkuwento si Yael kung ano ang mga nangyari sa buhay nila ng bandmates niya simula nu’ng itatag nila ang Sponge Cola (2002) at hinahaluan niya ng jokes para matawa ang audience pero pero hindi kami natatawa sa way ng pagpapatawa niya kaya medyo napapa-kunot ang noo namin.
Sa totoo lang, sobrang daldal ni Yael para siyang si Martin Nievera, bakit hindi na lang niya i-request na bigyan siya ng talk show dahil feeling namin ay keri naman niya lalo’t medyo taklesa pa siya.
Kasama rin sa special guest si Gary Valenciano na talagang nakipag-showdown pa kay Yael na talagang hiyawan ang lahat, wala pa ring kupas si Mr. Pure Energy.
Mahusay mag-perform si Yael kaya maraming girls ang humihiyaw sa kanya bukod pa sa matalino, pero kay Karylle lang nakatuon ang atensyon ng bokalista ng Sponge Cola dahil sa bawa’t kantang inaawit niya ay pasimple siyang tumitingin sa TV host/singer.
( Photo credit to google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.