LJ: Hindi ko inilayo ang anak ko kay PAULO, mabuti naman siyang tatay!
Hindi totoong iniwan ni LJ Reyes ang anak nila ni Paulo Avelino sa Amerika na diumano’y siyang dahilan kung bakit problemado ang aktor.
Matatandaang tinanggihan ni Paulo na makatambal si Angel Locsin sa isang TV project dahil gusto raw muna nitong ayusin ang personal na problema at nalaman nga namin mula sa taong malapit sa aktor na iniwan ni LJ ang anak sa Amerika.
“Hindi, nandito sa Pilipinas, dito naman talaga siya (Aki), ako nga naghahatid sa school, nag-aaral na, three years old na siya,” kuwento ng aktres.
“Hindi ko kayang mawalay sa anak ko, gusto ko parati ko siyang katabi. Nahihiwalay lang siya kapag may trabaho ako, pero nasa lola ko siya, dinadala ko sa bahay ng lola ko, tapos susunduin ko after ng work,” saad ng aktres.
Umuuwi pa rin ba si Paulo sa bahay nilang mag-ina, tanong namin sa kanya, “Ang hirap namang sumagot? Hindi ko pa po kasi masagot kasi marami pa pong dapat pag-usapan, pero masaya naman po kami.”
“‘Yung mga bagay po na nangyari ay hindi ko naman basta puwedeng sabihin kasi siyempre may mga inaayos po nab aka lang makaapekto. Magsasalita naman ako in due time po,” dagdag pa nito.
May nag-uutos daw kasi kay Paulo na huwag amining sila ni LJ, “Sabi niya (Paulo) ‘yun?” balik-tanong naman ng aktres, “Nagsalita siya ng ganu’n?” dagdag pa.
Madalas daw magkita ang mag-amang Paulo at Aki kaya sinabi namin na kung nagkikita, ibig sabihin hindi na talaga umuuwi ang aktor sa bahay ng mag-ina niya, “Basta walang nanggaling sa akin, ha,” mabilis na tugon ni LJ.
Wala namang maibubutas si LJ kay Paulo bilang ama nito dahil, “Mabuting tatay naman po siya,” say sa amin. Mabuti rin ba siyang partner, balik-tanong namin sa aktres, “Ha-hahaha! Mahirap po i-explain ‘yan. Okay naman.”
Ano ang reaksyon ni LJ na rati’y very proud si Paulo na inaamin silang mag-ina pero ngayon ay hindi na, “Well, I think marami rin po kasing bagay na nagbabago through times and experiences.
Sa normal po na tao, mahirap intindihin ‘yun, pero kunwari sa trabaho namin, kahit paano maiintindihan ‘yun. “Pero siyempre, if you would ask a woman, siyempre iba ‘yung preference, di ba?
Siyempre gusto mong intindihin ‘yung taong importante sa ‘yo, di ba?” paliwanag mabuti ni LJ. May pagmamahal pa ba siya kay Paulo? “Sa akin po kasi, siyempre naniniwala naman ako na kahit sinong taong dumating sa buhay mo na mahalin mo, hindi naman mawawala na, pero nag-iiba-iba ng level, puwedeng tumataas, bumababa,” katwiran ng aktres.
Sa nangyayari ngayon sa kanilang dalawa, bumaba na ang level ng pagmamahal ni LJ kay Paulo? “Basta ang importante po, ‘yung respeto ko, nandoon pa rin.
Sorry po, hindi ko kayang sagutin lahat ng tanong, in time masasagot ko na,” pakiusap pa ni LJ. Hopeful pa ba siya na magkakabalikan sila ni Paulo? “Hopeful ako na good things will come.”
Pagkatapos ng Aso ni San Roque ay may bagong serye si LJ sa GMA 7 na Prinsesa ng Masa kasama sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. “Kontrabida po ako. Early primetime raw ito,” sambit sa amin.
“Na-miss kong maging kontrabida tulad sa Good Daughter, Time of My Life, kasi sa Aso ni San Roque, mabait ako do’n,” sabi pa ng aktres.
Samantala, tinanong namin ang aktres kung willing siyang tumanggap ng role na ang istorya ay tungkol sa relasyon ng dalawang babae? “Since challenging ang role, sige, I accept the challenge.
Pero kakabahan yata ako doon ng bonggang-bongga. Sige, challenge ‘yan.” Ano ang mas gustong papel ni LJ, siya ang girl o siya ang lesbian? “Feeling ko, mas challenging kung ako ang lesbian, kasi hindi naman ako lesbyana, eh.
At matagal ko ng gustong mag-try ng short hair, hindi lang ako pinapayagan. Kasi nagsasawa na ako ng mahabang buhok.
Ano ang magiging reaksyon ni LJ kung sakaling malaman niya na ang pinakamamahal niyang boyfriend ay may karelasyong lalaki?
“Hindi ko alam, eh, pag nandoon na ako (sitwasyon) saka ko malalaman kung anong gagawin ko,” kaswal nitong sagot.
Hindi mo ba ito nararamdaman kay Paulo? “Ha-hahaha! Hindi, grabe, natatatawa naman ako sa tanong mo, hindi naman,” natatawang sagot ni LJ sa amin.
( Photo credit to google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.