Ai Ai Iiwan Ang Mga Anak Sa US, Mag-isang Haharapin Ang Mga Naiwang Problema Sa Pilipinas | Bandera

Ai Ai Iiwan Ang Mga Anak Sa US, Mag-isang Haharapin Ang Mga Naiwang Problema Sa Pilipinas

Reggee Bonoan - July 19, 2013 - 07:00 AM

Ai Ai De Las Alas and family

NASA Huntington Beach, California kahapon ang mag-iinang Ai Ai, Sancho Vito, Sofia at Shaun Nicolo de las Alas para magpainit. Sa larawang ipinost ng panganay na anak ng komedyana sa Instagram ay obvious na naglalaro sila ng dodge ball.

Sinusulit na ni Ai Ai ang bonding moments nila ng mga anak dahil mag-isa na lang siyang babalik ng bansa sa katapusan ng Hulyo at sa Disyembre na raw niya susunduin ang mga bata pabalik ng Pilipinas.

“Maiiwan kasi si Sancho, mag-aaral siya ng short course ng culinary sa New York University,” sabi sa amin ni Ai Ai.
Sabagay nabanggit ni Sancho ng huli namin siyang makausap na gusto niyang maging chef sa hotel at para makapasok ay dapat sa ibang bansa siya mag-OJT kaya marahil ito rin ang dahilan kaya siya kukuha ng short course sa NYC.

Pagbalik naman ng komedyana ay nakatakda siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema at hindi pa raw niya alam kung ano ito, “Baka pagbalik ko, sasabihin na nila sa akin. Hindi muna nila ako iniistorbo rito. Ha-hahaha!”

Oo nga naman, ayaw munang magpaistorbo ni Ms. A habang nagbabakasyon siya dahil gusto niyang namnamin ang bawa’t sandaling makasama ang tatlong anak at walang katumbas na saya ang nararamdaman niya habang kasama ang mga bagets ng mahigit isang buwan, “Sila naman talaga ang kaligayahan ko, walang makakapantay no’n,” katwiran niya sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending