SYLVIA SANCHEZ botong-boto kay KIM CHIU para sa anak na si ARJO ATAYDE | Bandera

SYLVIA SANCHEZ botong-boto kay KIM CHIU para sa anak na si ARJO ATAYDE

Reggee Bonoan - July 17, 2013 - 03:00 AM

NAGPAKALBO kamakailan ang hunk actor na si Ejay Falcon bilang hudyat nang paghihiganti ng karakter niyang si Victor sa hit afternoon action-drama series ng ABS-CBN na Dugong Buhay.

Kargado at nag-uumapaw sa galit at handa na si Victor na bigyang katarungan ang pang-aaping ginawa sa kanya at sa pagpaslang sa kanyang Nanay Elena (Ana Capri) ng pamilya De Lara.

Tuluyan na kayang magtagumpay si Simon (Nonie Buencamino) sa balak na gamitin si Victor sa pagpaslang kay Enrique (Christian Vasquez)?

Paano tatanggapin nina Enrique, Isabel (Sunshine Cruz), at Rafael (Arjo Atayde) ang katotohanan na ang taong inuusig ng pamilya nila na si Victor at ang inaakala nilang patay nang si Gabriel de Lara ay iisa?

Samantala, dinumog ng fans ang cast ng Dugong Buhay sa mall show nito kamakailan sa SM Supercenter Molino. Nakisaya sa event sina Ejay, Arjo, Christian, Sunshine, Nonie, Yam Concepcion, Jed Montero, Lito Pimentel at Ronnie Quizon.

Huwag palampasin ang mas umiinit pang mga tagpo sa Dugong Buhay, tuwing hapon, pagkatapos ng My Little Juan sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Speaking of Arjo ay kinunan namin ng reaksyon ang mama niyang si Sylvia Sanchez tungkol sa pag-amin nitong crush niya si Alex Gonzaga na aksidenteng ibinuking ni Jayson Gainza ng mag-guest ang binata sa Banana Split.

Naloka lang kami dahil mas marami pang ibinuking ang ina ni Arjo, “Apat ang crushes niya, sina Kim (Chiu), Maja (Salvador), Rhian Ramos at Alex nga.  Nakantiyawan lang ni Jayson kaya nalaman.”

Pero ang pinakagusto ni Ibyang sa apat na girls ay, “Si Kim siyempre.” Sabi naman, mukhang hindi pa rin nakaka-move on ang aktres kay Gerald Anderson.

“Talaga, e, may Maja na si Gerald, ha!?” mabilis na tanong sa amin ni Ibyang. Hindi pala alam ng aktres na may gap ang dating magkaibigang sina Maja at Kim dahil kay Gerald, “Ah, kaya pala, hindi ko alam na ‘yun ang dahilan.”

Sabay sabing, “Bahala na si Arjo diyan, buhay niya ‘yan. Kapag nasaktan siya, problema na niya ‘yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending