MARIEL: Isa lang ang pakiusap ni ROBIN sa akin, wag na wag akong kakain ng baboy!
AYAW munang pakunan ni Mariel Rodriguez-Padilla ang bagong bahay nila ni Robin Padilla sa Parañaque dahil may kulang pang gamit. Kapag nakumpleto na raw ay ready na ito for pictorial at magpapapunta na rin siya ng mga bisita.
“Kasi, may kulang pa, wala pa ‘yung chandelier na gusto ko for my dressing room,” banggit sa amin ng TV host-actress. “Oo, and the rest okay na, kasi wala akong mahanap pa, ‘yung pakiramdam mo na, ‘Uy, bagay ito for my dressing room’, e, wala pa talaga akong nakikita, kung saan-saan na nga ako naghanap, eh. Wala rin sa States,” tumatawang chika pa sa amin.
Nabanggit din niya na malaki ang dressing room kaysa sa bedroom nilang mag-asawa, “Yes, sobrang laki as in, siguro tulad no’n (sabay turo sa function room ng restaurant na umaabot sa 35 square meters o equivalent sa one bedroom condo) kasi siyempre nandoon lahat ang gamit ko, kasama na ang powder room ko.
“Nakakatuwa nga kasi lahat ng binili ko uling shoes sa States, dinisplay ko, ang ganda-ganda, I’m so happy talaga,” kuwento pa ng misis ni Binoe.
At ang kuwarto, “Ganyan lang (sabay turo sa mala-rest room na sukat), totoo, as in kama lang ang kasya. Kasi tutulugan lang naman talaga, parati naman kaming wala at pag nasa bahay naman kami, nasa living room o kaya sa ibang spot ng bahay.”
Biglang nagseryoso si Mariel nang ikuwento niyang gusto niyang magkaroon ng negosyo dahil, “Aminin natin Reggs, hindi naman habambuhay ang showbiz.”
Plano sana niyang magtayo rito sa Pilipinas ng franchise ng paborito niyang donut store sa Amerika na organic bread daw ang ginagamit, “Grabe as in $700,000? Wow, ako na lang gagawa ng donut ko.
Imagine how much is $700,000?” nanlalaki ang mga matang kuwento pa nito. Pinayuhan naming mag-franchise na lang siya ng sikat na foodchain, “Actually, baka nga mas mura pa kasi sagot nila ang stocks kaysa sa donut na ‘yun, kakaloka!
Ang hahanapan ko lang ay puwesto. If ever naman, baka I prefer _____(pangalan ng foodchain), kasi they don’t serve pork, only beef. ‘Yun lang naman ang hiniling sa akin ni Robin, huwag ako kakain ng pork, only beef,” pag-amin pa sa amin ni Mariel.
Hindi pa rin nagpapa-convert si Mariel sa Muslim dahil Katoliko pa rin siya hanggang ngayon at hindi naman daw siya pinipilit pa ng asawang si Robin na lumipat na sa relihiyon nito.
Walang duda, tanggap na talaga ni Robin Padilla ang kapatid na si BB Gandanghari. Isang dinner ang ibinigay ng mag-asawang Robin at Mariel kay BB at sa ina nilang si Mommy Eva Cariño (kasama ang ias pa nilang kapatid na si Rema) sa mismong bahay nila.
Isang larawan ang ipinost ni Mariel sa kanyang Instagram account, na may caption na: “One of the most memorable dinners of my life? with @evacarinopadilla @remapohno @gandangharibb and @robinhoodpadilla? a milestone.”
At napakasaya rin siyempre ni BB dahil matapos ang ilang taon ay nagkaayos na rin sila ni Binoe at tanggap na ang pagiging bading niya.
Nag-post din ng picture si BB na kuha habang nagdi-dinner sila. Ito’y may caption na: “Healthiest meal ever… courtesy of my little bro. @robinhoodpadilla and lil sis @marieltpadilla…ayan ha sabi mo basta ate mo ko, e di yan lil bro. kita… Hihi thanks for dinner…, sa uulitin…Chos!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.