‘COFRADIA’ ni JULIA BARRETTO tsinugi agad ng ABS, pinalitan ng ‘MIRABELLA’
SA ginanap na story conference para sa seryeng MariBella na magsisilbing launching project ni Julia Barretto noong Huwebes (ito ang kapalit ng Cofradia) ay nagpaliwanag ang AdProm Head ng Dreamscape Production na si Biboy Arboleda kung bakit hindi na matutuloy ang naunang plano para batang aktres.
“Nakikinig po ang Dreamscape at ABS-CBN sa mga kapamilya and even sa mga hindi kapamilya televiewers nu’ng dineclare namin na Julia will take Cofradia. Apparently, there are few people and a few groups na feeling nila it is racist because of the skin color.
“So, napagmitingan namin at napag-usapan na bakit namin isusugal at iri-risk ang launch vehicle ni Ms. Julia Barretto sa isang teleserye na puwedeng barilin at i-armalite, i-machine gun at kung anu-anong batikos, di ba nakaka-stress, hindi maganda, nakakalusaw ng freshness.
“So we parked Cofradia even ABS-CBN owns it because we acquired it from the family of the creator, it is part and maybe one day soon, kapag ma-tackle natin siya into a different level, e, baka ilabas and it can still be Julia someday.
“But as of now, today I will beg and I will pressure all of you to please keep Cofradia in the dark and let’s push MiraBella towards the light,” paliwanag ng TV executive.
Sina Diego Loyzaga (anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga) at Kiko Estrada (anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz) ang mga leading man ni Julia sa serye. Dumaan sa screen test ang dalawa, pero malaking bagay din ang magandang reviews sa acting nila sa Maalaala Mo Kaya.
Ang say naman ni Julia sa bago niyang project, “Mirabella, napakaganda po ng istorya, fairy-tale like, exciting po at pampamilya. May mythology pa rin, may love story para sa age n’yo po at sa age ko rin.”
Samantala, tinanong si Julia kung kilala na niya at kung naka-bonding na niya sina Diego at Kiko, “Si Kiko po, we had a screen test, we all know naman na pumasa siya roon, at magaling naman siya.”
At ang nakita raw kay Kiko ni Biboy, “Ako nakita ko kay Kiko, poging bata, matikas, tapos siyempre, ang lineage ng kanyang pamilya sa showbiz ay hindi naman natin made-deny
“Katulad din ni Diego, tatlo silang offspring at bagong henerasyon ng mga kinilala at tinangkilik din nating artista for how many decades. I think, third generation na yata ang mga batang ito, hindi na po nag-audition sina Kiko at Diego for their role sa MiraBella.
“Recently, may Wansapanataym si Julia (episode ngayong gabi) for a month at nakaka-dalawang episode na, Diego joined her in that show.
“And Diego, tinapos ang kanyang pag-aaral sa OB Montessori, and then nagbakasyon (Australia) pagbalik ay gumawa siya ng MMK at doon namin siya nakita muli. Diego started in our group, Dreamscape (Gimik), so pina-handle ulit namin sa Star Magic and Diego commits that he wants to learn na maging actor talaga ng bonggang-bongga, so we are giving him our support.
“Dahil 50% genetics nasa kanila na ang pagiging actor at we have to tackle na lang po the remaining 50% in terms of the craft and the attitude and the work focus. And of course, we need your help of all the publicity para we have new more stars in 2013,” sabi pa ni Biboy.
Si Kiko ay kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo sa St. Benilde College at kumukuha ng kursong Diplomatic Affairs at si Diego ay kakatapos lang ng high school sa OB Montessori at pumasa sa De La Salle University.
Hindi ba napi-pressure si Diego na baka ikumpara siya sa magulang niyang sina Cesar at Teresa na magagaling na artista, “I think, ‘yun nga po, naku-compare kami kasi may image na dapat tapatan or even lampasan, nandoon at expected na ‘yun.”
“Ako, naku-compare po ako sa mga titas ko, and all I can do is to do better po,” say naman ni Julia. At si Kiko naman, “Sabi sa akin ni Manong Joko (Diaz), okay ma-compare pero hindi ko sila dapat gayahin kasi naniniwala ako na bawat isa sa amin ay unique. So, dapat pagbutihin namin ang work namin.
“So, we have to make it our own, so akin thankful kami sa lineage namin in terms of acting, sina lolo Paquito (Diaz), lolo George (Estregan), thankful kami for that but, I don’t wanna be like them, I wanna be me. I guess, one of us, wants to be ourself.”
“We want to make our own name,” sabay-sabay na sabi nina Diego, Kiko at Julia. Sa Setyembre na ang airing ng MiraBela at sa primetime ito mapapanood mula sa direksyon nina Erick Salud at Jerome Pobocan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.