YENG sa unang dyowa: Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kaligayahan! | Bandera

YENG sa unang dyowa: Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kaligayahan!

Reggee Bonoan - July 10, 2013 - 06:00 AM

Marami ang natutuwa na finally ay very open na si Yeng Constantino sa kanyang lovelife. Very proud pa nga nitong ipinakilala ang kanyang boyfriend sa kanyang mga kaibigan.

Sa press launch ng mga bagong product ng Samsung mobile phones kamakailan ay kitang-kita na in love na in love nga ngayon ang dalagang singer.

Inamin naman ito ng dalaga sa press at sabi nga namin, maswerte ang lalaking ito dahil matagal talagang hinintay ni Yeng ang kanyang pagdating.

Sabi pa ng dalaga, si Victor Asuncion nga ang first boyfriend niya. At siya rin ang kauna-unahang girlfriend ng lalaki.
Isang worship director sa Victory Christian Fellowshiw sa Greenhills si Victor at noong Hunyo 18 lang naging official ang kanilang relasyon.

Ipinagmamalaki ni Yeng na umakyat talaga ng ligaw sa bahay nila si Victor kaya naman nagustuhan din ng magulang niya.
Inamin ni Yeng na napakasaya niya at ngayon lang niya naranasan ang ganito na para siyang nasa cloud nine at umaasang si Victor na ang una at huli niyang pag-ibig.

Anyway, sa nasabing event ay ini-launch din ang online contest ng Samsung na “Galaxy of Fun Jingle Campaign: A Musical Collaboration Between Yeng Constantino, Jim Paredes and YOU”. Samantala, mapapanood din si Yeng kasama si Bamboo sa “By Request” concert sa Araneta Coliseum sa Agosto 17.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending