KRIS nangibabaw ang pagiging ina kaya pumayag sa mga hinihiling ni JAMES para kay BIMBY, wala nang reklamo
HINDI lang si Bimby ngayon ang bida sa mga TV commercial dahil join na rin ang kuya Josh niya sa bago commercial ng kanilang mommy na si Kris Aquino.
Nakumbinsi ng CDO na pagsama-samahin ang mag-iina sa bagong TVC ng San Marino Corned Tuna na matagal nang ineendorso ng Queen of All Media.
Masayang-masaya si Kris na makasama ang dalawang anak sa isang commercial. Pero ang masasabing ang bida talaga rito ay si Josh dahil ipinakikita nga rito kung paano niya na-achieve ang weight niya ngayon.
“Josh was excited because of his workout coaches being part of the TVC. And he’s super proud of his body transformation,” ani Kris.
Ang coaches ni Josh na tinutukoy ni Kris ay sina Coach Chappy and Coach Evan na siyang nakatulong para ma-motivate ang anak na magpapayat, “Josh has lost 120 lbs and I’m so proud of my son.
‘Yung waistline niya dati, 46 inches, ngayon, 36 na lang. So, I’m happy,” say ni Kris sa kanyang Kris TV morning show.
Ayon kay Coach Chappy, naging epektibo raw kay Josh ang tinatawag na circuit training.
At binabantayan din ni Kris ang pagkain ng anak, “Josh eats healthy. Fruits and cereal, salad, grilled chicken, tuna, stir fried vegatables. He stopped softdrinks, bottled juices and he drinks a lot of water and buko juice.”
Samantala, talagang pinairal ni Kris ang pagiging ina kay Bimby matapos ngang makipagkasundo muli kay James Yap para sa visitation rights nito sa kanilang anak.
Kahit na ano pa nga sigurong masasakit na salita ang sabihin ng iba laban sa TV host-actress, hindi pa rin makukuwestiyon ang kanyang pagiging mabuting nanay.
Hindi na namin aasahan na magsasalita si Kris tungkol dito dahil nga pinagbawalan sila ng korte, pero naniniwala kami na mas inisip na lang niya ang kinabukasan ng anak kaya pumayag siya sa mga hiniling ng dating asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.