Sigaw ng 9 katrabaho ni Mocha sa PCOO: Tigbakin na siya sa pwesto! | Bandera

Sigaw ng 9 katrabaho ni Mocha sa PCOO: Tigbakin na siya sa pwesto!

Ronnie Carrasco III - August 27, 2018 - 12:35 AM

NINE against one.

Siyam na katrabaho ni ASec Mocha Uson sa PCOO ay tila nagkaroon ng blood compact para hilingin sa kaitaas-taasan ang pagsibak sa kanya sa puwesto.

Nilabag daw kasi ni Mocha ang probisyon unbecoming of a public official bunsod ng kanyang viral video tungkol sa pagpapalaganap ng federalism awareness sa taumbayan.

Sa collective appeal na ‘yon ng mga mismong kaopisina ni Mocha ay hindi na kami nagtataka, even the first who should take the cudgels for her ay sila mismo.

Bago itinalaga si Mocha sa PCOO ay nagsilbi muna siyang board member ng MTRCB. Her stint there was brief though.

Vividly, tandang-tanda pa namin ang kuwento ng isang nakasama ni Mocha sa nasabing ahensiya.

Secretly, siya ang paksa ng kanyang mga co-workers dahil sa kanyang work attitude.

Once outside an already adjourned meeting ay marami raw kiyaw-kiyaw o reklamo si Mocha, tipong nagmamarunong gayong kebagu-bago lang naman doon. Came her opportunity to vent out her thoughts, pero nalunok yata ng hitad ang kanyang dila.

Like a meek lamb ay hindi na raw humirit si Mocha, nakayuko na parang kawayang humahalik sa lupa. Sa madaling salita, Mocha didn’t gel with the group. Definitely not the team player-type who was pleasant to work with.

Eto ang siyam niyang mga katrabaho na halos may kapareho ring puna kay Mocha.

If that is Mocha’s work pattern, dapat niya itong i-address, and how? Unsolicited advice: she should resign. And make it irrevocable resignation effective immediately.

As in any work milieu, mahirap yatang gampanan ang trabaho knowing you’re at loggerheads with your co-workers.

Totoong laganap din ang intriga sa opisina, pero kung siyam namang katao ang hindi mo kasundo, there must be something abnormal in you.

Kung may natitira pang delicadeza sa sistema ni Mocha, ora mismo ay magbibitiw siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Obviously, she no longer has a room—even a tiny space—to share the roof with her co-workers.

Aba’y kapag ganu’n, daig pa niya ang isang social outcast. Makinis nga ang balat mo, ketungin naman ang tingin sa ‘yo, aba’y bababu na aketch!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending