Erich ilang taon hindi kinausap si Ejay: Wala kasi siyang care! | Bandera

Erich ilang taon hindi kinausap si Ejay: Wala kasi siyang care!

Ervin Santiago |August 17,2018
facebook
share this

Erich ilang taon hindi kinausap si Ejay: Wala kasi siyang care!

Ervin Santiago - August 17, 2018 - 12:25 AM

ERICH GONZALES AT EJAY FALCON

ILANG taon palang nagdedmahan sina Erich Gonzales at Ejay Falcon matapos magkatampuhan habang ginagawa nila ang seryeng Katorse sa ABS-CBN.

Magkasama ngayon ang dalawa sa Primetime Bida series na The Blood Sisters (bago mag-TV Patrol) na magtatapos na nga ngayong gabi. Ayon kay Erich, ilang taon din silang hindi nag-usap at nagpansinan ni Ejay.

“‘Yun ‘yung first na magkatrabaho kami, immature. So, maliit na bagay ginagawang big deal. Pareho kaming tactless that time talaga. So, wala siyang care sa kung ano ang sasabihin niya, tapos sensitive ako masyado.

“So, ‘bahala ka, huwag na tayong mag-usap. Tapusin na lang natin itong work!’ Yung ganu’n,” ang pag-alala ni Erich nang mag-guest sila ni Ejay sa Magandang Buhay.

Hirit naman ng hunk actor, “Kulang siguro ‘yung pagiging gentleman ko that time. May nasabi yata ako sa kanya, sabi ko, ‘hindi pa ikaw ang nene sa Katorse, alam kong nandoon na ako sa show.’ Parang ganu’n. Siyempre, nakaka-off talaga. Aminado naman ako.”

Buti na lang daw nag-mature na sila pareho nang i-offer sa kanila ang The Blood Sisters at dito nga nila inamin na na-miss nila ang isa’t isa.

Mensahe ni Ejay kay Erich, “Alam mo sobrang proud ako sa iyo and sobrang thankful na ngayon ay tinanggap mo ako bilang kaibigan mo, hindi ba? Kasi nagkaroon tayo ng problema.

“Masasabi kong ikaw ay isang babaeng totoong kaibigan para sa akin. Kahit sana wala na tayo sa showbiz, sana ay nandoon pa rin ang friendship natin. Alam ko marami tayong pagkakapareho, eh,” aniya pa.

Sey naman ni Erich, “Sobrang na-appreciate ko si Falcon dahil dito sa The Blood Sisters, na-appreciate ko kung paano niya ako alagaan. Talagang tina-try niya ‘yung best niya to make sure na okay ako. Kahit simpleng, ‘Day, papunta na ako sa taping, may gusto ka bang pagkain, ano ang gusto mong inumin?’ Talagang he really cares and nakikita ko lahat ‘yon.”

“And sinasabi ko sa iyo, proud ako kung nasaan ka ngayon and alam ko malayo pa talaga ang mararating mo. Itaga mo sa bato, kahit anong mangyari talaga, tapos na ‘yung show, wala na tayo sa industry na ito, you can always count on me, through thick and thin,” pahabol pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siniguro naman nina Erich at Ejay na hinding-hindi malilimutan ng mga manonood ang magiging ending ng The Blood Sisters, kailangan daw tutukan ng viewers kung ano ang magiging katapusan ng pakikipaglaban ng triplets na sina Agatha, Erika at Carrie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending