Kris, Atty.Gideon agaw-eksena sa premiere night ng I Love You, Hater

By Reggee Bonoan July 12,2018
share this

Kris, Atty.Gideon agaw-eksena sa premiere night ng I Love You, Hater

By Reggee Bonoan July 12,2018
share this

SUCCESSFUL ang ginanap na premiere night ng “I Love You, Hater” kagabi sa SM Megamall Cinema 7 sa pangunguna ng tatlong bida ng movie na sina Kris Aquino, Joshua Garcia at Julia Barretto.

Bukod kay Bimby at sa Team KCA, kasama rin ni Kris na dumating sa premiere night ang nali-link sa kanya na si Atty. Gideon Peña. Talagang pinagkaguluhan sila ng mga photographer at ng members ng entertainment media nang pumasok na sila sa sinehan.

At bago pa man siya matanong kung bakit ang kaibigan niyang abogado ang kanyang kasama sa panonood ng “ILYH”, agad siyang nag-dialogue ng, “He’s not my date. He’s just my friend.”

Pahayag pa ng Social Media Queen tungkol kay Atty. Gideon sa maikling pakikipag-usap sa members ng press bago magsimula ang premiere night, “I guess ano, I’m a client because he’s handling some of the work already for some of my brands.”

Sa pagkakaalam namin sabay ding umalis sina Kris at Atty. Gideon pagkatapos ng premiere night.

Samantala, kasama naman ni Julia ang kanyang inang si Marjorie Barretto at mga kapatid sa red carpet premiere ng “I Love You, Hater”, habang sinamahan naman si Joshua ng kanyang ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending