Paolo nakipaghiwalay na sa dyowa, 3 buwan lang tumagal ang relasyon

June 25,2018
share this

Paolo nakipaghiwalay na sa dyowa, 3 buwan lang tumagal ang relasyon

June 25,2018
share this

NAGHIWALAY na raw ang rumored couple na sina Paolo Ballesteros at Sebastian Castro. Ito ang paniniwala ng mga followers ng dalawang aktor sa social media.

Nag-post kasi ang indie actor na si Sebastian sa Instagram ng isang cryptic message tungkol sa break up nila ng kanyang boyfriend. Tumagal lang daw ng three months ang kanilang relasyon.

“I have no intention of confirming or denying rumors about who I was dating. For my own peace of mind, I’ll just acknowledge it’s over.

“Call it practicality, but it’s simply easier to say so once publicly than over and over again when asked. I had a brief 3-month relationship. It didn’t work out. Thanks for the me-mories all the same,” ayon kay Sebastian.

Ipinost din niya ang screenshot ng text message sa kanya ni Paolo. Makikita rito ang initials na “PB” na pinaniniwalaang si Paolo Ballesteros nga.

“Hey goodmorning. Ive been thinking for the past few days about us. Im sorry i have to break your heart again. im really sorry. I dont want you to finish ur song for me and i cant be that person. Its too much for me i guess. i dont know what else to say, but im really sorry,” ang laman ng text ng Eat Bulaga host kay Sebastian.

Kung matatandaan, kumalat sa socmed ang mga litrato ng dalawang aktor habang kumakain sa isang restaurant kaya nalaman ng publiko ang tungkol sa kanilang relationship. Walang diretsong pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending