Maine handa nang maging recording star; may 2 request lang sa Universal Records | Bandera

Maine handa nang maging recording star; may 2 request lang sa Universal Records

Jun Nardo |June 24,2018
facebook
share this

Maine handa nang maging recording star; may 2 request lang sa Universal Records

Jun Nardo - June 24, 2018 - 12:01 AM

OPISYAL nang inihayag ng Universal Records sa social media last Friday evening ang pagkuha nito kay Maine Mendoza bilang recording artist.

Days before the big reveal, malakas na ang hinala ng fans ni Meng na siya ang nasa picture ng babaeng nakatalikod sa Instagram na may suot na jacket at may nakatatak na salitang “Universal”.

Wala pang masyadong detalye ang manager ni Maine na si Rams David kung anu-anong kanta ang nasa debut album ng Phenomenal Star. Pero ang isa sa requests niya ay magkaroon ng hard copy ang album para sa mga fans na mas gusto pa ring magkaroon ng CD bilang memento ni Maine bukod sa digital format nito.

Hiling din ng kampo ni Maine na mag-record ang dalaga ng cover versions ng sikat na kanta bukod sa ilang original songs.

Samantala, after ng announcement ng Universal Records about Maine’s career sa recording scene, pinasilip naman ni Alden Richards sa 24 Oras ang costume niya bilang superhero sa Kapuso fantasy action series na Victor Magtanggol.

Dream come true para sa Pambansang Bae ang lumabas bilang superhero lalo na’t fanatic siya ng character ni Iron Man.

“Surprisingly ang ganda nu’ng movement. Isang oras kang babalutan ng material na parang tumitigas. Masakit, pero para talagang tailor-made ‘yung costume, kailangan ‘yun eh.”

Pagmamalaki pa niya sa costume ni Victor Magtanggol, “Everything is purong Pinoy. It’s all Filipino talent, effort, blood sweat and tears, all in one project!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending