JM DE GUZMAN naghihirap na, naibenta ang mga ari-arian dahil sa mga ‘BISYO’ | Bandera

JM DE GUZMAN naghihirap na, naibenta ang mga ari-arian dahil sa mga ‘BISYO’

Reggee Bonoan - June 30, 2013 - 08:00 AM

Nakatanggap kami ng tawag mula sa isang concerned kay JM de Guzman, tungkol ito sa sinulat namin dito sa BANDERA. Hindi siya makapaniwala na umabot na sa panghihingi ng  pamasahe ang aktor sa mga pasahero ng bus kung saan siya nag-joy ride mula SM North Edsa hanggang Baclaran at muling bumalik.

“Is this really true? How sad naman, sayang naman si JM,” ang sabi ng  aming kausap. Nabanggit din naming naibenta na kasi ng aktor ang sasakyan niya dahil sa kawalan ng panggastos dahil nga wala siyang projects bukod pa sa bisyo niya, “I really pity him kasi ang bait niyang bata, ang galing na artista, walang yabang sa katawan, bakit siya umabot sa ganu’n?” balik-tanong sa amin.

Nabanggit namin na kasalukuyang nagpapagaling na ngayon si JM dahil may mga taong tumulong sa kanya dahil tulad namin nanghihinayang sila sa aktor. “Sana nga umokey na siya, di ba gagawin pa niya ang Pedro Calungsod movie?” balik-tanong ulit nito sa amin.

Sabi namin baka pag okay na si JM, saka na lang itutuloy ang project, at sana nga hindi ito ibigay sa iba dahil bagay na bagay sa aktor ang nasabing role.

Samantala, humihingi naman ng pang-unawa ang ilang taong malalapit sa aktor dahil sa sinapit nito at umaasa sa agarang pagbabalik nito sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending