Kahit sikat at super rich na: Anne may matindi pa ring insecurity sa buhay

June 14,2018
share this

Kahit sikat at super rich na: Anne may matindi pa ring insecurity sa buhay

June 14,2018
share this

KUNG may isang matinding insecurity sa kanyang buhay ang TV host-actress na si Anne Curtis, yan ay walang iba kundi ang kanyang edukasyon.

Inamin ni Anne na mas pinili niya ang pasukin ang mundo ng showbusiness kesa magtapos ng kanyang pag-aaral. Isa raw talaga sa ultimate dream niya ang makakuha ng diploma sa kolehiyo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng quote card ang host ng Showtime na naglalaman ng kanyang saloobin tungkol sa education.

“Used to be one of my biggest insecurities – that I haven’t finished college,” ani Anne. Nag-throwback bigla ang aktres nang makita niya uli ang ilang modules na ginamit niya noong nag-aaral pa siya sa Griffith University sa Australia.

Pero agad namang nilinaw ni Anne na hindi niya pinagsisisihan ang naging desisyon niya sa buhay, “But hey, I’m happy that I’m happy doing something that I love and I am passionate about.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending