Kris sa pagtakbo sa 2019: Takot akong sirain ang aking palabra de honor!

June 14,2018
share this

Kris sa pagtakbo sa 2019: Takot akong sirain ang aking palabra de honor!

June 14,2018
share this

SINAGOT agad ni Kris Aquino ang naging pahayag ni Sen. Bam Aquino na siguradong mananalo siya kapag tumakbong senador sa 2019.

Sabi ng Queen of Social Media, imposibleng pasukin niya ang mundo ng politika sa susunod na taon dahil napakarami niyang kontrata ang masasagasaan.

Narito ang kanyang mahabang mensahe na kanyang ipinost sa Instagram: “Thank you… But you do realize i’ll violate the contract i signed w/c your wife @timiaquino negotiated if i run for any elective post in 2019? @chowkingph renewed me until 2020. For my haters, please patronize #Ariel from P&G, @pldthome, @livesmart, @iflix.ph, Nutri-Asia products, Monde Nissin, @ultherapyph, @everbilenaofficial, #UniPak, @healthyfamilyph.

“An Indonesian conglomerate i cannot name, the biggest Korean home appliance & entertainment company, a Thailand beauty company w/c i also cannot name, a residential properties industry leader, @unilab, a World leader airline not based in the Philippines, and the world’s biggest food company- all of whom i have commitments with that specifically state that i won’t seek any elective post in 2019 & i will refrain from any divisive political statements except when defending honor & dignity of family.

“Marami pang ibang contracts pero mabo-bore na kayo reading the list & i’m afraid of violating non-disclosure agreements. To all those who continue to love & support me- please join me in being super grateful to these companies for truly believing in my trustworthiness & credibility.

“Totoo naman po- MAY TAKOT AKO. Takot akong sirain ang aking palabra de honor (Word of Honor) & gibain ang pakiramdam kong mga dapat kong ipagmalaki- marunong akong tumanaw ng utang na loob at may #LOYALTY ako sa mga nagbigay ng trabaho at tiwala sa kin,” sey ni Kris.

Samantala, sorry na lang sa mga umaasang magkakaroon pa ng Part 3 ang love story nina Kris at Mayor Herbert Bautista. Mukhang talagang tinuldukan na ng mommy nina Joshua at Bimby ang bahaging ito ng kanyang buhay.

Sa kanyang IG post, hindi man niya pinangalanan si Bistek ay gets na gets na ng kanyang followers kung sino ang kanyang tinutukoy.

“This is where i am now… He will always have a space in my heart, i cannot & will not deny that… But, i can no longer give him a place in my life. Because sometimes we just have to accept ‘there are some people in your life that you have to love from a distance.’ #reality,” ang mensahe ni Kris.

Sa IG video naman na ibinahagi niya sa madlang pipol, naniniwala ang netizens na para ito kay Bistek. Aniya, “I made a choice. I made a decision because every serious relationship I’ve had lasted four years. And hinintay ko siya ng four years.

“Lumipas na ‘yung four years, so I said I’m done. Independence day, so I’m declaring my independence.

“Thank you when I needed someone, you were there but I’m okay already. ‘Di mo na ako kailangan i-check kasi emotionally healed, financially, professionally in a good place.

“So this is the perfect time. This is the perfect time for me to say thank you. I wish for your happiness is not a lie,” sey pa ni Tetay.

“Sa lahat naman ng supporters ni Kris, tuloy na tuloy na ang showing ng comeback movie niya sa Star Cinema na “I Love You, Hater” sa darating na July 11. Makakasama niya rito ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto sa direksyon ni Giselle Andres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending