Kris ayaw idamay ang 2 anak sa pakikipaglaban kay Mocha Uson | Bandera

Kris ayaw idamay ang 2 anak sa pakikipaglaban kay Mocha Uson

Reggee Bonoan |June 07,2018
facebook
share this

Kris ayaw idamay ang 2 anak sa pakikipaglaban kay Mocha Uson

Reggee Bonoan - June 07, 2018 - 12:25 AM

KRIS AQUINO

DUMATING na sa bansa ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby kahapon ng umaga.

Sinalubong sila ng napakaraming balloons sa kanilang kwarto para sa post birthday celebration ng panganay ng Queen of Online World at Social Media.

Napanood namin sa video post ni Kris sa kanyang Instagram account ang kanilang pagdating kung saan makikita na inaantok pa ang mga anak.

“Because I’m a mom. Medyo antok na si kuya & makulit ako but we are home & I was so excited about the balloons to surprise kuya Josh kahit ano man ang pinagdadaanan ko- my sons should never carry that burden. #family #home#lovelovelove (take note you’ll hear Bimb say dedma- now u know bakit nakaapak talaga ko sa lupa because of these 2 boys),” ani Kris.

Samantala, bago bumalik ng Pilipinas si Kris kasama ang KCA staff ay nag-live siya sa IG at Facebook para sagutin si ASec Mocha Uson sa ginawa nitong pambabastos sa magulang niyang sina dating Presidente Corazon Aquino at dating Senador Ninoy Aquino.

Ayon kay Kris, “Mocha Uson – marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin.

“Mapapansin mo si Noy, hindi parte ng video ko dahil BUHAY siya. Kaya niyang depensahan ang sarili niya. Pero nu’ng napanuod ko yung in-upload mo para depensahan si Presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan nang hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo?

“Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako nang tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos.

“Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line. You reminded me of how much I hurt my mom nu’ng buntis ako kay Josh & na-disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga niya ‘yung apo niya – siya na ‘yung pinaka-nagmahal sa anak kong may autism.

“Pinaalala mo na nu’ng issue namin ni Joey (Marquez), nu’ng umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – ‘yun siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN.

“Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA. Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang nasa biyahe pala sina Kris ay inaalam na nito ang contact number ni Bong Go, Special Assistant to the President para sabihin ang hinaing nito kay Mocha kaya habang tinitipa namin ang balitang ito ay medyo nakakangiti na ang bunsong anak nina Ninoy at Cory.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending