Anak ni Francis M nanghipo, kulong | Bandera

Anak ni Francis M nanghipo, kulong

Liza Soriano |June 04,2018
facebook
share this

Anak ni Francis M nanghipo, kulong

Liza Soriano - June 04, 2018 - 06:32 PM

KINASUHAN ang anak ng yumaong rapper at TV host na si Francis Magalona matapos umano nitong hipuan ang babaeng empleyado ng isang bar sa Bonifacio Global City sa Taguig, madaling araw ng Linggo.

Alas-9 ng umaga ngayong araw ay isinailalim sa inquest proceeding sa Taguig City Prosecutor’s si Francis Michael Magalona para sa kasong acts of lasciviousness.

Ayon sa ulat, dinala sa tanggapan ng Women and Children’s Desk ng Taguig City police si Magalona, nasa hustong gulang, matapos siyang ireklamo ng isang VIP host ng Revel at the Palace, na hindi na binanggit ang pangalan, ng panghahalay.

Sa salaysay ng biktima, alas-3 ng madaling araw ay inaaayos niya ang ise-serve na alak sa table ng grupo ni Magalona nang biglang may dumakma sa kanyang kaliwang likuran.

Nang kanyang lingunin ay nakita umano niya ang kamay ni Magalona na lumakad nang palayo na parang walang nangyari.

Agad naman isinumbong ng biktima sa kanyang supervisor ang insidente saka humingi ng tulong sa mga bouncer na nagdala kay Magalona sa presinto.

Wala namang ibinigay na pahayag si Magalona hinggil sa insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending