JM DE GUZMAN napariwara, nanghihingi na lang ng pamasahe sa mga pasahero ng bus | Bandera

JM DE GUZMAN napariwara, nanghihingi na lang ng pamasahe sa mga pasahero ng bus

Reggee Bonoan - June 29, 2013 - 08:00 AM

KARUGTONG ito ng naisulat namin kahapon tungkol kay Jessy Mendiola na siyang magbibida sa Pinoy version ng Maria Mercedes na unang pinasikat ng Mexican actress na si Thalia.

Pagkatapos ng question and answer segment sa solo presscon ni Jessy para nga sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN,  kinunan ng reaksyon ang aktres tungkol sa latest na nangyayari ngayon sa dati niyang boyfriend na si JM de Guzman, tulad na lang ng ulat na diumano’y gumagamit ito ng bawal na gamot, at ang hindi nito pagsipot sa mga natatanguang commitments.

“Nu’ng time na nandoon ako sa kanya, hindi ‘yun nangyayari, so I can say na I did my part, I did my best at walang guilt sa akin, wala akong pagsisisi kasi ibinigay ko lahat nu’ng time na ‘yun, nakikita n’yo naman siguro, na pinagtakpan ko naman lahat maski na magmukha na akong masama basta’t maging okay lang siya,” pagtatanggol ng aktres sa sarili.

Ikinuwento rin sa aktres na nakita si JM na nag-joy ride mula SM North hanggang Baclaran at bumalik ulit ng Quezon City habang tumutugtog ng gitara at kumakanta. May balita ring nanghihingi ito ng pamasahe sa mga pasahero sa bus.

“Actually, nagugulat ako, ganu’n po kasi siya (JM) dati pa, tumutugtog ng gitara, out of nowhere, ‘yung mga kinakanta niya sa Angelito, siya lang ‘yun, kino-compose niya lahat, ganu’n siya ka-talented, ganu’n siya ka-deep as a person.

At ‘yung Baclaran, pumupunta kami sa Baclaran, magkasama lagi,” pagtatapat ng dalaga. Hindi raw kasi pabor ang nanay ni Jessy kaya kailangan niyang itanggi noon si JM, “I really can’t, hindi ko ‘yon masabi dati because kami ng mom ko, hindi rin kami okay no’n,” pagtatapat ng aktres.

“At siyempre, kung magsasalita ka pa sa maraming tao na hindi kayo okay, mas magiging magulo kung lahat ng tao alam kung ano’ng nangyayari sa ‘yo. So I kept mum about it. “Dumating sa point na hindi na kami nag-uusap ng mom ko.

Gumigising ako, pumupunta ako ng taping na hindi ko alam nasaan sila. And marami ang nagsasabi na napakasama kong tao kay JM, kasi hindi ako talaga nagsalita tungkol sa kanya.

“Nagkataon lang na umamin siya na mahal niya ako nu’ng wala na kami. At ayaw ko nang dagdagan na, ‘Opo, mahal ko siya, gano’n, gano’n, pero hindi kami okay ng mom ko.’ So I really kept mum about it.

Tinanggap ko na lang yung sinabi ng tao na, ‘A, pinaasa mo lang siya (JM). Ganito, ganyan, na sinira mo ang career niya, yung trabaho niya.’”paliwanag ni Jessy.

“Opo, isa po sa dahilan ang mom ko. Kasi, malaking factor din po talaga ang nanay sa isang relasyon. Kung mayroon kang karelasyon man o mahal na tao, mayroon say ang nanay mo diyan dahil nanay mo siya, e,” pag-amin ni Jessy.

Hanggang sa tuluyan na silang nagkahiwalay ng aktor dahil, “Mas minahal ko lang po ang sarili ko. Kasi mahirap din po ‘yung hindi ka nagtitira ng konting pagmamahal sa sarili mo, ‘yon po.

“Kasi after trying to make someone complete, to give someone you don’t…hindi mo mare-realize, you don’t say na ikaw din pala, you are slowly breaking. So I choose to love myself more. I choose to love myself more and I chose na mag-focus na lang muna sa trabaho, ‘yon po.”

“Nagmahal din po ako, and masasabi ko rin po na inalaagan ko rin po siya. So, hindi na lang po ako nagsalita. Pero sa nangyayari sa kanya, I really wish all the best for him, na sana makabangon siya kasi napakagaling niyang aktor, napakabait niyang tao.

“So, sabihin na lang po natin na nagmahal din po ako, hindi lang siya,” katwiran pa ng aktres. Ngayong napapansin na si Jessy ay kailangan niyang ipakita na hindi nagkamali ang ABS-CBN na bigyan siya ng chance kaya naman priority daw niya ngayon ang karir.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon ko palang bini-build up ang pangalan ko, so hindi naman siguro masama kung unahin ko ang career ko,” pag-amin nito. Kaya naman nang ibigay sa kanya ang TV remake na Maria Mercedes ay sobrang natuwa ang dalaga dahil ito na raw marahil ang chance niya to shine at sana hindi siya mapahiya.

As of now ay wala pang airing date at timeslot ang Maria Mercedes na ididirek nina Chito Roño at Rechie del Carmen (mula naman sa unit ni direk Ruel Bayani) pero ang sigurado na ay ang dalawang leading man ni Jessy sa serye, sina Jake Cuenca at Jason Abalos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending