'Kahit ano lang kayang gawing national issue ni Kris!' | Bandera

‘Kahit ano lang kayang gawing national issue ni Kris!’

Cristy Fermin |May 19,2018
facebook
share this

‘Kahit ano lang kayang gawing national issue ni Kris!’

Cristy Fermin - May 19, 2018 - 12:20 AM


TAWA nang tawa ang kaibigan naming propesor sa pinakahuling pangyayari sa buhay ni Kris Aquino.

Ano pa raw kaya ang maaaring mangyari sa aktres-TV host na hindi niya ipaglaladlaran sa publiko?

Sanay na sanay na raw ito sa mga pataklesang banat sa social media ni Kris, pero pati ba naman ang pagkahulog niya sa hagdan ay kailangan pa niyang gawing parang national issue, wala raw kayang nagpapayo kay Kris na piliin lang ang mga makabuluhang bagay na puwede niyang ibahagi sa publiko?

Kung may mga tagapayo ang aktres-TV host, kung may mga nagsasabi sa kanya ng tama at mali, di sana’y hindi rin niya ipinagbabanduhan sa publiko ang matinding galit niya kay James Yap?

Di hindi rin sana siya nagdadamay ng mga nananahimik na tulad ni Korina Sanchez? Di sana’y hindi niya ipinaaalam sa ating mga kababayan kung ano ang damdamin ni Bimby sa kanyang ama?

Kung may mga nagpapayo kay Kris ay hindi dapat siya bina-bash, iiwas siya sa mga isyung siya rin ang mapupuruhan, o kung may mga nagpapayo man sa kanya ay siguradong hindi niya pinakikinggan-sinusunod ang mga kumakausap sa kanya.

Nahulog si Kris Aquino sa kanilang hagdan. Ipinakita niya sa kanyang IG account ang mga namumula niyang tuhod. May retrato pa sila ni Bimby na magkatabi habang alalang-alala ito sa kanya.

May bago pa ba? ‘Yun mismo si Kris Aquino! Kahit ano lang ay nagagawa niyang malaking isyu!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending