Kris nag-breakdown, umiyak nang bonggang-bongga
SINISIGURO ni Kris Aquino na magugustuhan ng mga millennial ang kuwento ng comeback movie niya sa Star Cinema na “I Love You, Hater” dahil sa mga ginagampanang role nina Joshua Garcia at Julia Barretto na in na in ngayon sa mga kabataan.
Pero siyempre, bukod sa kuwento ng mga karakter ng JoshLia sa pelikula, hindi pa rin daw mawawala ang tatak-Kris Aquino dahil malapit din sa totoong buhay ang kanyang role sa movie.
“And you think it’s light, it is and there’s a romcom element in this, there’s a Kris element in this and the moment that I don’t expect to be funny.
“Another take away in the movie is, if you have a ‘why’ in your life, then you should always find the ‘how.’ If you have a reason, then magagawan mo ng paraan. So for all three of us malalaman ninyo kung ano ‘yun kasi lahat sila may dahilan at may ipinaglalaban.
“Bilib ako sa writer kasi all the biggest hits (movies) had been hers and she always create lines na may lalim na unexpectedly meron na minsan as simple two sentences, nagulat ako kasi I have little motivation, nag-break down ako tapos naloka ako kasi si RB (make-up artist) sanay lang na pinapaganda ako, sabi niya, ‘Ano inisip mo at paano ka nakaiyak ng ganu’n?’
“Sabi ko, are we really gonna talk about it in front of everybody? Sabi pa ni RB, ‘Grabe naman ‘yun in less than two minutes, nag-iiyak ka ro’n?’ Sabi rin nu’ng writer, ‘O my God! There’s so much anger!’ Sabi ko lang, ‘yeah.’ Ha-hahaha!” kuwento ni Kris.
Malapit daw sa karakter ni Kris ang pelikulang “I Love You, Hater,” “It’s really me, they just had to differentiate na no children at ni-request ko ‘yun kasi it would be too close to home and naghiwalay (ng asawa) kasi hindi nga nagkaanak and initially, it has to be a mom who is sick, sabi ko hindi ako comfortable, puwede bang dad na lang? And ako ang nag-request for tito Ronaldo (Valdez) kasi sa ‘Sukob’ he was our dad ni Claudine (Barretto). So 12 years after, si Julia na ang katrabaho niya.”
Samantala, hindi pa alam kung sino ang gaganap na ex-husband ni Kris sa movie dahil ang tatlong hiniling niya sa Star Cinema ay hindi na raw puwede.
Samantala, natutuwa si Kris dahil love na love rin ng kanyang bunsong anak na si Bimby si Julia Barretto. Sa loob ng maikling panahon ay naging close na agad ang dalawa.
Marami ngang nakyutan sa photo nina Bimby, Julia at Joshua na ipinost ni Kris sa kanyang IG account. Ang daming likes at positive comments ang nakuha nito mula sa mga netizens.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.