NILAGDAAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order na tatapos sa kontrobersyal kontraktuwalisasyon na kanyang ipinangako noong eleksyon.
Ginawa ni Duterte ang pagpirma sa mismong Araw ng Paggawa bilang regalo sa mga manggagawa sa Cebu City.
Ito ay taliwas sa nauna nang pahayag ng Malacanang may dalawang linggo na ang nakararaan na hindi na ito pipirmahan ng pangulo, bagkus ay ipapasa na lang sa Kongreso para siyang gumawa ng hakbang para tapusin ang kontraktwalisasyon.
Ayon sa kanyang talumpati, may probisyon sa EO laban “illegal contracting at subcontracting,” at iginiit na ang “right to security” ng bawat manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.