ENCHONG kontrabida pero hindi kasing-sama nina COCO at PAULO | Bandera

ENCHONG kontrabida pero hindi kasing-sama nina COCO at PAULO

Reggee Bonoan - June 27, 2013 - 08:00 AM

NAGPAKA-SAFE sa pagsagot si Julia Montes sa tanong namin kung kinikilig pa rin siya sa balik-tambalan nila ni Enchong Dee sa seryeng Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN, kung saan ka-love triangle naman nila si Enrique Gil. Sabi ng dalaga, lahat naman daw ng babae ay kinikilig.

Kahapon, sinabi ng dalawang Kapamilya stars na nanumbalik na ang pagkakaibigan nila at sabi nga ni Enchong, wala siyang planong ligawan uli si Julia dahil mas mahalaga raw para sa kanya ang friendship nila ngayon. Ayaw na muna niyang lagyan ng kahit anong malisya.

Pero ipinasa nga namin ang tanong namin kay Enchong – may kilig pa rin ba siyang nararamdaman kay Julia? “Again, to be honest,  siguro ka-ilangan namin ‘yung bagay na ‘yun para sa ginagawa namin (soap opera) ngayon pero hindi namin pinipilit, hindi namin sinasabi just for the audience to patronize our show.

Sinasabi namin ito dahil this is really happening, naging parte siya o ingredient sa ginagawa namin ngayong teleserye,” paliwanag ng aktor. Bukod nga kina Enchong at Julia makakasama rin nila si Enrique Gil sa Muling Buksan Ang Puso at lumalabas na kontrabida ang role ng binata, ani Enchong, “Masaya rin ako kasi si Enrique, barkada talaga, hindi rin akalain na magsasama-sama kami kasi akala namin sa pelikulang ‘The Strangers’ lang.

“Hindi ko puwedeng ikuwento kung anong klaseng pagka-grey na character kasi malalaman na, pero may dahilan at saka challenge sa akin itong role ko,” paliwanag ni Enchong. Hindi naman daw kasing tindi ni Paulo Avelino ng Walang Hanggan at Coco  Martin ng Tayong Dalawa ang role ni Enchong sa serye na masyadong masama.

“Basta nu’ng pinresent  sa akin ang story, ito na ‘yung role na siguro ang tagal kong pinangarap, ang tagal kong hinintay kaya nga hindi ko puwedeng i-disclose ito, basta sabi nila, makakasama ko nga si Julia at kailangang pakinggan ko muna ang takbo ng kuwento at nu’ng narinig ko ‘yung story, sabi ko, napakaliit na bagay para haluan ko ng personal level kasi ang ganda, sabi ko nga, pinangarap ko itong character ko rito,” kuwento ng aktor.

Challenging nga kay Enchong ang role niya sa MBAP dahil nasanay na ang tao na mabait siya, malambing, kawawa at sa totoo lang, nakakasawa na rin ang ganitong character kaya tama rin naman ang Dreamscape Entertainment na baguhin ang papel ng aktor sa nasabing serye.

Ang nakakatuwa ay nag-offer daw sina Janice de Belen at Cherrie Pie Picache ng tulong kay Enchong para sa tips kung paano ang tamang atake sa bago niyang character. “Nag-offer ng guidance sina ate Janice, si Miss Pie, sabi nila, ‘Just text me if you need any help or guidance.’ Even direk Don (Cuaresma), tapos ngayon, I collaborate very much with direk Manny (Palo) kasi siya ngayon ang parati naming nakakakasama.

“Ayoko kasi i-alienate ‘yung mga taong handang tumulong sa akin kasi may mga pieces (tips) kang makukuha sa kanila na puwedeng gamitin not today but maybe in the future, so very open ako sa mga bagay na ‘yun. “Saka isinasara ko sa sarili ko ‘yung mga nagsasabing, ‘Uy ang galing mo, ang galing mo sa ganito, kasi kapag pinasok ko sa utak ko ‘yun, hindi ako matutuo, eh,” magandang paliwanag ni Enchong.

Ganu’n naman dapat, huwag ipasok sa kukote ng isang artista na magaling sila, ‘yung iba kasi, nakaka-dalawa o tatlong serye palang na hindi naman sila mismo ang bida at nakatikim ng konting puri ay isinaksak na sa ulo nila, kaya nagrereklamo kaagad kapag hindi nabibigyan ng maraming exposure.

Samantala, aminadong pressured si Enchong ngayon sa Muling Buksan Ang Puso kumpara sa Ina Kapatid Anak dahil nga title role na sila nina Julia at Enrique rito. “Mas mataas ngayon kasi nga rare opportunity na binibigyan ka ng pagkakataon na ganito na katatapos lang ng isang proyekto, heto na naman, ngayong Hulyo kaagad tapos may pelikula pa (Four Sisters and A Wedding), sabi nga nila, kung ano ‘yung napanood sa big screen, hindi mapapanood dito sa serye,” sey pa ng aktor.

At dahil sunud-sunod ang projects ni Enchong ay binansagan na siyang “favorite” ng management at may mga naiinggit na raw, “Siguro kung favoritism, bakit ngayon lang?  Napakatagal ko na sa ABS, siguro nakita lang nila na handa akong magtrabaho 24/7 wala akong reklamo kung hindi ako makakatulog. Siguro ‘yun lang ‘yung mga bagay na nakita nila sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“In regards sa favoritism, hindi ako makakasagot doon kasi hindi naman ako ang nagde-decide,” sabi ng aktor.
Dagdag pa niya, “Pana-panahon lang siguro kasi dumating din naman ako sa puntong nagtatanong kung anong susunod kong gagawin, naghahanap kung anong next project ko.

Kapag dumating kasi sa ‘yo ‘yun, huwag mong pakakawalan, huwag kang maarte, huwag kang mareklamo, huwag magko-complain,” nakangiting sabi ng aktor. E, si Julia ba ay favorite rin ng management? “Ako masasabi ko talaga, na-experience ko ang waiting stage after ng Goin’ Bulilit, marami naman kaming teenagers na naghihintay ng opportunity and suwerte rin lang ako and thank God kasi nabigyan ako ng magandang (project) at heto nagsunud-sunod,” sabi ng dalaga. Ngayong Hulyo na mapapanood ang Muling Buksan Ang Puso mula sa Dreamscape Productions nina Deo Endrinal, Julie Anne Benitez at Kylie Manalo-Balagtas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending