Bagong movie ng Aldub tuloy na tuloy na
TULOY na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Pinaplantsa na ang mga detalye kaugnay ng proyektong ito ng AlDub kung saan muling magsasanib-pwersa ang APT Entertainment, GMA Films at GMA Artist Center.
Of course, hindi nila mamadaliin ang paggawa ng bagong AlDub movie. Ang kapakanan din nina Alden at Meng bilang artista ang nasa isipan ng mga producers nito, huh! They only want to give the best lalo na’t kinasasabikan na ng AlDub Nation na muling makita sa big screen ang Phenomenal Loveteam.
Kaya naman chilax lang dapat ang ADN at huwag agad mag-overreact kung sakaling may bagong series ang Pambansang Bae at hindi si Meng ang kapareha. Tutal naman, mas bonggang project ang inihahanda para sa dalawa.
At patuloy pa rin namang napapanood sina Alden at Meng sa Eat Bulaga araw-araw. Kaya ang pakiusap ng mga taong nagmamalasakit sa magka-loveteam, huwag naman sanang pagbuntunan ng bagsik ng fans ang GMA Network.
Gaya ng ibang loveteams, dumarating din ang panahon na kailangan nilang magkanya-kanya ng career. Hindi exception ang AlDub loveteam sa nakasanayang ganyan sa showbiz, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.