Ice Seguerra na-trauma nang umihi sa cr ng babae sa London | Bandera

Ice Seguerra na-trauma nang umihi sa cr ng babae sa London

Julie Bonifacio - March 28, 2018 - 12:25 AM

LIZA DIÑO AT AIZA SEGUERRA

PERSONAL na bagay at hindi lang isyu para kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Dino ang mainit na paksa on transgender restroom na pinag-uusapan sa social media ngayon.

As we all know, isang transman ang partner in life ni Liza na si Ice Seguerra. Isa raw lagi sa mga dilemma ni Ice ay kung saang CR siya pupunta. Minsan daw tinitigan siya ng isang babae sa loob ng restroom at pinalabas. Nangyari raw ‘yun nu’ng nasa London sila.

“Kasi siyempre dito sa Pilipinas kapag nagpunta siya sa CR ng lalaki, kilala siyang Aiza, ‘di ba? Magugulat na lang na nandoon siya. Kapag nasa ibang bansa naman siya, papasok siya sa CR ng babae, papalabasin siya kasi mukha siyang lalaki,” kuwento ni Liza nu’ng makausap namin siya sa launch ng CineMarya sa FDCP Cinematheque Center Manila recently.

Hindi pabor si Liza sa pagkakaroon ng transgender comfort room but rather a gender neutral restroom, “I think it’s good to have a gender neutral restrooms na pwedeng pasukan ng kahit sino.”

Dahil sa nangyari kay Ice sa loob ng CR ng babae sa London, ayaw na raw minsan ng kanyang asawa na mag-CR, “My God! Tsinitsismis ko na ang asawa ko! Pero hindi, it’s good that we are talking about this.

Minsan ayaw niyang umihi. Mas gusto na lang niya sa bahay. Kasi ‘yun nga, ah, siyempre, bilang lalaki gusto niyang pumunta sa CR ng guys. Pero kapag nagpunta siya doon, he’s opening himself up to scrutiny, idya-judge na siya ng iba or hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa loob,” kwento ni Liza.

Bukod sa transgender restroom, nailahad na rin ni Ice kay Liza ang plano niya na magpatanggal ng ilang sensitibong bahagi ng kanyang pagkababae. Naiintindihan naman daw niya ito.

“I can only empathize with what he’s going through because he wants to see ‘yung identity na alam niyang siya. So, nandito ako, if he chooses to go through all that, ako ang gusto ko lang masiguro, that it will not have any scientific side effects. Kasi kung ‘yung health mo naman ang masa-sacrifice, I’m sure he’ll understand where I’m coming from.”

Agree naman si Liza sa kagustuhan ni Ice at mapagbigyan din ang adopted daughter nila na magkaroon ng kapatid. Napag-uusapan na rin daw nila ni Ice ang magka-baby na galing mismo sa kanila.

“But the limitations of our law makes it really, really complicated. Kumbaga, dito sa bansa natin, ‘yung assignment ng kung sino ‘yung nanay, sino ‘yung nagpaanak? But if it’s going to be Aiza’s ano, DNA and egg, so, pinag-uusapan namin ‘yun kung paano,” sabi pa ni Liza.

If ever na matuloy sila sa pagkakaroon ng baby, manggagaling daw ang punla kay Ice at maghahanap sila ng sperm donor.

“Oo, ‘yun naman ang goal. Kukuha kami ng anonymous sperm donor. Tapos ako ‘yung surrogate. Ako ‘yung magki-carry,” aniya pa.

Nae-excite na rin daw si Liza na maging surrogate mother ng baby nila ni Ice. Feeling pa niya, posibleng this year na rin mangyari ang pagkakaroon nila ng baby ni Ice.

q q q

Samantala, sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong March, nag-collaborate ang FDCP, Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Commission on Women (PCW) para sa CineMarya na isang festival ng short films tungkol sa mga kababaihan.

“The festival aims to tell stories of Filipino women, more than their beauty, but their strength and passion, rising above the prejudice and struggles in society,” sabi ni Liza.

Magbibigay ang Cinemarya ng seed money na P100,000 sa mapipiling participants edad 18 hanggang 30 para makapag-produce ng 10 to 20-minute short films. Ang CineMarya ay bukas para sa filmmakers na hindi pa nakakagawa ng isang buong pelikula o dokumentaryo.

Bilang bahagi ng CineMarya, ang FDCP ay gagawa ng educational component para sa 10 finalists sa pamamagitan nang pagbibigay ng dalawang slots. One for the director at isa pang representative para sa FDCP Filmmaking Workshop Series (Planting Seeds at Film Industry Conference) kasabay ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga mapipili ay magkakaroon ng pagkakatong maisama sa CineMarya film camp kung saan may two-day intensive filmmaking workshop sa Rizal na kasama ang filmmakers, PCW representatives, at iba pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending