Elisse sa ex-bf: Alam namin ni Jerome na hiwalay ang personal sa trabaho! | Bandera

Elisse sa ex-bf: Alam namin ni Jerome na hiwalay ang personal sa trabaho!

Reggee Bonoan |March 22,2018
facebook
share this

Elisse sa ex-bf: Alam namin ni Jerome na hiwalay ang personal sa trabaho!

Reggee Bonoan - March 22, 2018 - 12:30 AM


NAGING maayos naman ang working relationship ng dating magkarelasyon na sina Elisse Joson and Jerome Ponce sa seryeng The Good Son ng ABS-CBN.

Hindi naman naging problema sa production ang pagiging mag-ex ng dalawang bagets dahil kitang-kita naman na parehong nagpapakitang-gilas sina Jerome (bilang si Enzo) at Elisse (bilang si Sabina) sa kanilang primetime serye. Ka-loveteam naman ni Elisse sa programa si McCoy de Leon bilang si Obet.

Humarap sa ilang miyembro ng entertainment media sina Jerome, McCoy at Elisse sa ginanap na finale presscon ng The Good Son, kasama sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Natanong si Elisse tungkol sa relasyon nila ngayon ni Jerome matapos ang ilang buwang pagsasama sa TGS, “Actually, okay naman po. Hindi naman din awkward. Okay naman, even offcam. At saka pag nagto-throw lines naman po kami, I think nakakapag-deliver naman po nang maayos. Nakakatuwa naman po na parang wala namang negative na kahit ano.”

Mas natutunan pa raw nila ni Jerome at ng iba pang cast members ng serye ang maging mas professional at mas pahalagahan ang kanilang trabaho, “Pag nagtatrabaho naman po kami on set, ‘yung personal namin, parang wala, nakahiwalay. I guess doon din po namin natutunan kung paano ‘yun gawin as the show went on, kung paano ihiwalay ‘yung mga personal na nangyayari.”

Ang huling balita namin, meron na ring girlfriend ngayon si Jerome, ito’y walang iba kundi ang volleyball player na si Mika Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending