Female singer galit na galit pa rin kapag naririnig ang kanta ng dating asawa | Bandera

Female singer galit na galit pa rin kapag naririnig ang kanta ng dating asawa

Cristy Fermin |February 19,2018
facebook
share this

Female singer galit na galit pa rin kapag naririnig ang kanta ng dating asawa

Cristy Fermin - February 19, 2018 - 12:15 AM


DAHIL sa detalyadong chika ng isang mapagkakatiwalaang source ay malalaman na natin ngayon kung bakit hate na hate ng isang kilalang performer ang isang kantang mismong ex niya ang nag-compose.

Kapag naririnig kasi ng babae ang komposisyon ng kanyang ex ay inis na inis siya, sumisimangot ang female singer, parang gusto niyang magmura.

May kuwento ang aming source kung bakit nga ba ayaw na ayaw niyang naririnig ang pinasikat na kanta ng kanyang ex-husband. Heto ang kuwento.

“Di ba, hindi pa naman sila naghihiwalay nu’n? Parang on the rocks pa lang ang relasyon nila, kasi nga, natuklasan ng girl na may pinagkakaabalahang ibang girl ang husband niya.

“Natural, deny lang nang deny si lalaki, wala raw, tsismis lang daw ‘yun. Hindi raw totoo ang mga kuwentong nakararating sa wife niya. Naniniwala naman nu’ng una ang girl, pero may nabisto siyang proof na nalaman niya mismo mula sa text ng girl sa mister niya!

“Ang message na ipinadala ng girl sa husband niya ang naging dahilan. Napakalinaw ng pagkakasabi ng girl sa singer niyang mister, ‘Thanks so much for the composition. You’re also my song…’

“’Yun na! Mismong sa third wheel sa kanilang relasyon nanggaling ang text message. Wala pa siyang kaalam-alam nu’n na meron palang composition na ganu’n ang husband niya. Wala pa siyang idea!

“Nu’ng mag-recording na ng album ang husband niya, ‘yun na! Kasama sa album ang song na ginawa ng husband niya para sa girl. Du’n na siya nabuwisit nang husto, may ginawa palang song ang husband niya para sa babaeng ipinalit sa kanya!” kuwento ng aming impormante.

Kaya mula nu’n, kapag naririnig ng female singer ang composition ng kanyang ex, ay para siyang natutunaw na parang gusto niya nang sumigaw nang sumigaw.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang dating mag-asawang ito. Imposibleng hindi, promise!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending