KRIS nakisosyo sa taxi business ni LUIS, paghahanda na raw sa pagsabak sa politika
KAPAG hindi nakahanap ng direktor ay malamang na hindi matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Bimby at Ryza Mae Dizon kasama si Vic Sotto na may titulong “Torky and My Little Bossing” .
Base sa rules ng Metro Manila Film Festival ay isang pelikula lang ang puwedeng gawin ng isang direktor at si Binibining Joyce Bernal na gusto ni Kris Aquino na siyang magdirek ay hindi na puwede dahil kasalukuyan niyang ginagawa ang pelikula ni Robin Padilla na kasali rin sa MMFF.
Supposedly, si direk Joyce rin sana ang magdidirek ng “Kimmy Dora, The Prequel” ng Spring Films pero hindi na rin niya ito tinanggap at ipinasa na kay Chris Martinez.
Aware na pala ang Queen of All Media sa patakarang ito at nagpapahanap na nga raw sila ng direktor, “Hahanap sila ng magdidirek na kakilala at kasundo ni Bimby kasi pag hindi, malamang na hindi ituloy ang pelikula,” kuwento pa sa amin.
Parang mauulit ang senaryo noong nakaraang taon kung saan umatras din si Kris sa “Sisterakas” dahil hindi niya kakayanin dahil may sakit nga siya that time at si Ai Ai delas Alas ang ipinalit sa kanya pero pinagmumulta ng MMFF ang Star Cinema ng malaking halaga bukod pa sa mate-technical sila kaya walang nagawa ang TV host kundi ituloy ang pelikula.
E, I’m sure naman bossing Ervin, hindi papayag sina Vic, Tony Tuviera at Orly Ilacad na hindi matutuloy ang pelikula, di ba? Kaya ang tanong, sino na ang magdidirek? Speaking of Kris ay nag-invest na rin pala siya sa taxi business ni Luis Manzano na LBR kasama ang mga kaklase at kaibigan noong nasa hayskul pa.
Kuwento ni Kris nagustuhan daw niya ang pamamalakad ng TV host-actor sa mga empleyado niya kaya’t isa ito sa naging dahilan kung paano siya napapayag, bukod pa sa paghahanda na rin ito sa nalalapit niyang pagpasok sa pulitika.
Ang paliwanag ni Kris, “Ganito ‘yun, nag-invest ako doon sa taxi company ni Luis Manzano.
And if that investment becomes fruitful at kaya kong ma-increase ang level of investment, meron na kaming stable na income na hindi relying on showbusiness. “So, that’s the time that I could enter the possibility (na pasukin ang politika), ‘yung parang i-entertain ko ‘yung thoughts at paghandaan ko talaga.
Pero kasi, kailangan kong masigurado talaga na okay ang mga anak ko.” “Ang ganda ng presentation nila and I trusted Luis, I knew that there is a need, and nu’ng inilatag kasi he started it three years ago with just five taxis. Now, he has 140 taxis in three and a half years and by the end of this year, because of the infusion na ginawa ko, we’re going to have 200.
“So, may chance, di ba? It’s something exciting. Ano ba ‘yung basics na kailangan, kuryente, bahay, pagkain, transportation, tubig. So, pasok siya du’n.” Tungkol naman sa pagpasok niya sa pulitika ay mas gusto muna niyang magsilbi sa lokal at plano niya sa Tarlac kung saan tagaroon ang nanay niyang si dating Pangulong Corazon Aquino.
“Kasi gusto ko talagang may body of accomplishment even if it’s just three or six years. Sa pag-iikot ko kasi, sa nakikita ko, you can really do a lot in a smaller environment.‘Yung pilot program mo, na parang napakita mo na nagawa mo dito, so baka kaya mong gawin sa lahat.
“Kaya nga bilib ako sa mga taong nagsimula bilang SK (Sangguniang Kabataan), ‘yung lahat talaga, napagdaanan. Kasi kailangan ‘yun, eh. Ako naniniwala ako sa ganu’n. My dad (ex-Sen. Benigno Aquino) started as a small town Mayor, si PNoy started as a Congressman, ‘yung sa mom ko naman, that’s an event that is historical, that only happens once in a millennium.
“Parang ganu’n. So titingnan ko kung ano ang ganap. Pero thankful ako na ang daming mga kaibigan kong mayors and gobernador na in-offer sa akin talaga na kung gusto kong mag-OJT sa kanila,” say ng TV host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.