Bwelta ni Kris sa basher: Ang kapal naman ng mukha mong tawagin akong magnanakaw!

By Reggee Bonoan February 13,2018
share this

Bwelta ni Kris sa basher: Ang kapal naman ng mukha mong tawagin akong magnanakaw!

By Reggee Bonoan February 13,2018
share this


NAPAHABA ang tulog ng mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby pagdating nila sa tinutuluyan nila sa Beverly Hills, USA dahil sa jetlag.

Gumanda na ang pakiramdam ni Kris kaya pinayagan siya ng kanyang doktor na makapagbiyahe nang mahigit limang oras. Dapat sana ay sa Asia lang ang destinasyon nilang mag-iina ngunit mas gusto raw ng mga anak niya na bumalik sa Amerika.

Sa Lala Land, Los Angeles, California nagtungo sina Kris at sa paboritong five-star hotel na The Peninsula Beverly Hills along South Santa Monica Boulevard sila naka-check in. Nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng litrato ng kanilang mga unan na may initials ng mga pangalan nila, pati na rin ng ilang bahagi ng kanilang kwarto.

“Jetlag- please let us win over you sharing this because my friends @thepeninsulamanila deserve a THANK YOU- they helped me secure our connecting rooms booking here & their counterparts gave me a special family rate.

“I have a new Blog post uploaded about financial practices that are working well. It’s lunchtime here, madaling araw sa Philippines. But unfortunately, sleepy time for us. Ayokong labanan, will pray we adjust by tomorrow. #faith #family #lovelovelove!” ang caption ng Social Media Queen sa nasabing photo.

Siguradong maligayang-maligaya si Kris ngayon sa pagse-celebrate ng kanyang birthday dahil kasama niya ang kanyang dalawang anak. Sa ngayon daw kasi ay sina Joshua at Bimby talaga ang pinakamahalaga sa kanya at kahit daw wala siyang lovelife, feeling happy at feeling complete na rin siya.

Anyway, nabanggit ng KCA staff na si Gianni Jasper na may sarili na ring website si Kris, ang wwwkristinaaquino.ph. Aniya, “We have a new milestone po in KCA’s digital journey. We are launching her very own website po. It will have her fashion guide, blogs, webisodes and list of trusted partners.”

Siguradong araw-araw itong tututukan ng social media followers ni Kris na hindi pa rin tumitigil ng pagsuporta sa kanya kahit na wala pa rin siyang TV show.

q q q

Hindi naman pinalampas ng Reyna ng Social Media ang pamba-bash ng isang netizen na tumawag sa kanyang “magnanakaw.”

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kris ang screengrab ng mensahe ng basher (may handle name na @cess_line143). Komento nito sa isang IG post ng mommy nina Josh at Bimby, “Ang yaman ah! Pero yung pera para pala ninakaw lang.”

Narito naman ang naging bwelta ni Kris.

“You messed w/ the wrong woman. Ang kapal ng mukha mo na tawagin akong magnanakaw when you are the one guilty of IDENTITY THEFT. Whichever bot account this is, or whichever group is funding this troll account you should have at least had the intelligence to not use a picture of a famous blogger @hapatime, Jessica Ricks.

“Then when I called you out- you suddenly changed your twitter handle & IG pic. The problem is you can attack me w/ absolutely no evidence about stealing when in actuality you are the MAGNANAKAW.

Please- wag mo kong itulad sa yo o kung sino man ang nagfu-fund ng operations ninyo.

“How many times do i need to REPEAT- i have no political plans for 2019- so your demolition job is way too early. Strategic planning please? I am not my Mom & i am not Noy- in other words i am not like them who will choose dignified silence & humility.

“HINDI AKO MABAIT especially pag nananahimik akong nagtatrabaho & nagsusumikap na maging mabuting ina, pero binabalahura pa rin ang pagkatao ko.

“While we still have democracy- i shall defend what i worked hard to achieve & i will never again allow myself to be stepped on & trashed by people who don’t even have the courage to create a true social media account. #TRUTH #AUTHENTICITY!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending